Noilan Torres, ang baguhang may "K"

Malaki ang paniniwala ng "Mall Entertainment King" na si Rey Salac sa bago niyang protegee na si Noilan Torres. Maliban kasi sa good looking ang bagets na ito from Cabanatuan ay maganda pa ang singing voice nito. So lahat na ng potentials para sumikat ay nakikita ni Rey sa katauhan ni Noilan.

Nais ni Rey na maging wholesome muna ang images ng kanyang talent. Tutal kung nagustuhan daw ng mga fans sina Marvin Agustin, Rico Yan at Diether Ocampo hindi rin imposibleng maging idolo ng mga ito si Noilan.

Take note! Wala pang isang buwang hina-handle ni Rey ang newcomer na ito ay may mga bookings na ito for series of shows sa Japan.

Show comments