"Isa itong pambihirang pelikula," wika ni direk Teddy Chan, "na hindi purong fiction kundi may bahagi rin na totoo. Ayon sa ulat, ang chemical weapon na tinutukoy sa istorya ay lihim na naimbento na ng isang grupo ng mga siyentipiko. Maka-gobyerno, maka-terorista o para sa highest bidder man sila ay hindi na mahalaga. Sa tama o maling mga kamay, ang nasabing weapon ay magpapahamak sa sangkatauhan dahil masahol pa ito sa pinagsamang nuclear at atomic bombs.
"Para maipakita ang pinakanakakatakot na senaryo ng isang matinding pagsabog, pinili ko ang mga pinakamagaling sa industriya. Napakamahal nila pero nakumbinse ko ang aking prodyuser na karapat-dapat naman sila sa ganoong kabayaran. Napatunayan ito nang makagawa kami ng pelikulang hindi lang de kalidad kundi komersyal pa. Magse-set ito ng bagong trend sa action movies. Bawat aspeto nito’y may dating–istorya, aksyon, stunts at effects. Obra maestra ito para sa akin at ganoon din sa kanila (crew)."
Sa istorya, tatlong terorista mula sa Khmer Rouge ang pumuslit sa Hongkong na may dalang chemical weapon na kung tawagi’y Purple Storm. Pero, isa sa kanila’y nasugatan sa ulo at nawalay sa kasamahan. Nang siya’y magkamalay na may amnesya, isang anti-terrorist cop ang nagsinungaling sa kanyang siya’y isang anti-terrorist agent na nag-infiltrate sa kampo ng mga terorista upang mapigilan ang pagsabog ng bomba na papatay sa milyun-milyong katao!
Isinapelikula sa tradisyon ng Royal Hongkong Police at Chinese Army, ang Purple Storm ay pinangungunahan nina Joan Chen, Daniel Wu, Teresa Lee at Moses Chan.