Last week (Friday, Feb. 23) around ten in the evening, saka lang nagkaroon ng pagdududa sa mga kasamahan niya sa bahay nang bigla itong magkulong sa kanyang kuwarto.
Nang buksan nga ang pintuan, kasalukuyan na itong naghihingalo matapos maglaslas ng kanyang pulso. Agad naman siyang dinala sa St. Luke’s hospital.
Bigla ring kumalat ang text messages na nagsasaad ng suicide attempt ng dalaga. Na ang lumalabas na source ay ang nasabing hospital mismo. Kaya hindi rin naitago ang mga pangyayari sa ayaw o sa gustuhin mang itago pa ito ng kampo ni Ms. Perez.
Sari-saring version ngayon ang lumalabas tungkol sa suicide attempt na ito ng tinaguriang "Halina ng Bayan." Ang sabi, problema raw sa family. Problema sa puso. Problemang financial. At may lumalabas pang naka-drugs daw ito at may pinatirang kaibigan na bad influence raw sa kanya?
May mga sabi-sabi rin na pinagsisisihan daw ngayon ni Halina ang kanyang paghuhubad, isa raw sa matinding dahilan kung bakit naisipan nito ang magpakamatay.
Ano nga ba ang tunay na dahilan nang masamang tangka na ito ni Halina sa kanyang buhay?
Kasalukuyang nagpapahinga si Halina sa isang malayong probinsiya. Marami na rin daw ang tumatawag na mga talk shows for interview, pero mas minabuti na lang ni Halina ang manahimik muna. – R P