Litton, 'inabuso' ng sariling ama !
March 5, 2001 | 12:00am
Noong Martes ng gabi ko lang napanuod ang stageplay na Tirik sa Mr. Melody, Roces Avenue, Cubao. Noon pang February 13 ito nagsimulang ipalabas sunud-sunod na Martes. Ang natitirang playdates nito ay bukas, March 6 at 13.
Sa imbitasyon na rin ni Leonardo Litton at kanyang manager kaya ako nagpaunlak. Sabi nga ni Tony Galvez, "Gusto kong mapanood mo si Leonardo not as a bold actor in the movies but as a good actor on stage."
Ang Tirik ay istorya ng dalawang magkapatid na lalake na panay ang audition na maging artista sa pelikula pero pagiging macho dancer at pagko-callboy ang kinabagsakan. Sumasanib sa kanila ang tatlo pang lalake na tulad nila, in their late teens, ay may pangarap ding pasukin ang showbis.
"May sariling istorya ang bawat isa sa amin pero sa akin mostly nakapokus bilang si Lazaro at sa kapatid kong si Allyson VII Gonzales ang istorya," sabi ni Leonardo isang linggo bago ko siya pinanood.
Sa stage, kitang-kita ang tiwala ni Leonardo sa kanyang kakayahan bilang aktor. Humaharap siya sa iba-ibang kasuotan, pero ang pinakamatagal ay yung naka-skimpy bikini briefs siya. Pinakamahirap gawin yung monolog niya habang siya ay niroromansa at yung introduction niya sa sexual awakening na mismong tatay niya ang umabuso sa kanya.
Bakit nga ba tinanggap ni Leonardo ang Tirik? "Gusto ko kasing i-try ang stage saka challenge ito sa akin, kung makakaarte ako sa entablado na dapat eh hindi magkakamali, kasi, walang take 2 dito pag nagkamali ka saka yung audience mo, nasa harap mo mismo, sila ang magsasabi kung okey ang performance mo," pahayag niya.
Bagaman mabigat din ang papel ni Allyson sa Tirik ang problema sa kanyang pagdadayalog ay monotone siya. Hindi kaparis ni Leonardo na nababago ang disenyo ng pananalita sa mahabang monolog.
"Talagang kailangang memoryahin ang dayalog," sabi ni Leonardo, pero ang importante, kung may makaligtaan kang linya, kung ano ang gusto mong ipunto, masabi mo. So far, so good naman, sabi ni direk mismo."
Si Soxy Topacio na iginagalang na PETA stage direktor ang nagdirihe ng nasabing stageplay at nagtagumpay siya na maging kredibleng macho dancers ang mga aktor na pinagkukuha para sa play na ito.
Kinausap ko si Manny Valera pagkatapos ng show kung bakit siya nagprodyus ng stageplay na ito. "Dahil sa exposure ko ng off-Broadway plays at sa Sidney, Australia, merong crowd sa ganitong klaseng play na puwedeng i-patronize ng maraming tao. Itong Tirik, legit naman kami, I have a director, Soxy and playwright, Ricky Lopez. I mean, kahit paano naman, meron kaming kredibilidad na bibigyan namin ng staging o performance yung play na yon."
At hindi ba nabigo si Manny sa ipinakitang performance ni Leonardo? "He impressed me more dahil I saw Burlesk King and he was already a good actor in that film. In fact, he got a nomination for best supporting actor there, so, from that movie I thought I would be comfortable getting him at kampante ako, more or less, that he can deliver, as far as acting is concerned. I took the risk of getting him for this stageplay. Yung sinasabi ng iba na baka hindi kaya, sa pelikula lang siya puwede, this play has proven that he can really act, so far, the reviews were good naman, di ba?"
Si Ricky Lopez naman na siyang sumulat ng one-act play na ito ang hiningian ko ng komentaryo. "Sa pagbi-brainstorming namin nina direk Soxy at direk Manny kaya nabuo ang istorya ng Tirik. We were inspired to do the play because we have already a set of actors in our minds to do the performing. Ang attention span ng mga tao sa ganitong klaseng play, mga one hour lang, kaya ganun kaikli ang oras. Ayaw naming mainip sila so, the play has to be concised. To tell you the truth, this play was written with Leonardo Litton in our minds to play the major role."
Karamihan ng nanonood ng ganitong gay play ay mga bading. Pero kung tutuusin, ang Tirik ay para sa lahat ng klaseng tao na gustong tunghayan ang daigdig ng mga macho dancers na hindi naman talagang ganun ang layon. Puro mga binatilyong lalake nga lang ang makikita mo sa teatro, umaakto, umiiyak, gumigiling, nagsasayaw.
Nakakapangilabot nga yung pagkukuwento ni Leonardo nung kasibulan niya sa edad 16 at abusuhin siya ng sariling ama. Sa una ay pagkagulat, sumunod ang pakikisama at ang ikatlo ay ang nakapangingilabot niyang pagsigaw ng pagtutol. Sa maikling pagganap na iyon, hindi nakapagtataka na sa madaling hinaharap, si Leonardo ay kikilalanin bilang isa sa pinakamahusay na aktor ng pelikula at tanghalan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended