"Nagpapasalamat ako sa mga tao dahil kahit malakas ang ulan ay hindi nila kami iniwan sa venue. They stayed ‘til the end of the show. Isa iyon sa pinakamasarap na performances ko. Imagine, basa na sila pero hindi man lang sila natinag. Sana ay hindi sila nagkasakit," ang dasal ni Ara.
Sa mga nang-iintrigang ginagamit lang siya ng mga Mathay.
"Expected ko nang sasabihin iyon ng mga kalaban ni Daddy sa pulitika pero I don’t care. Kung nagagawa ko ngang tumulong sa ibang politicians, lahat ay gagawin ko para sa daddy ko. Hindi na ako naaapektuhan ng mga ganyan klaseng intriga. Kumbaga, nasasanay na ako," pagdidiin ni Ara.