"I was always there when they needed me," emotionally states the mall entertainment king, "kaya naman I was really hurt nang balewalain naman nila ako rito sa forthcoming show nila sa Rembrandt Hotel."
Ang ipinaghihinanakit ng mabait na balladeer ay ang pang-aapi sa kanya sa billing in connection with the MOWPAP-sponsored show. Lahat daw kasi ng entertainers ay nalalagay above the title at nag-iisa lang siyang isinalpak sa bandang ibaba.
"I guess that was most unfair considering the fact na mga kaibigan ko sila at more than anybody else, sila ang inaaasahan kong tutulong sa akin para umangat naman ang aking pangalan." Ang matindi pa, puro alaska at pangangantiyaw daw ang natikman niya sa tuwing magbebenta siya ng ticket na napakamahal pa mandin.
"One thousand pesos lang naman," Rey asseverates.
Magkaganumpaman, sisipot pa rin si Rey sa show ng grupo if only to show to them that he’s a real professional. – PAJr.