TV talk shows, kinakapos sa balita !
March 2, 2001 | 12:00am
Talaga sigurong matumal na ang dating ng mga intriga o tsismis sa mga entertainment at celebrity reporters kaya pati sila mismo ang mga humihingi ng kanilang item na maibabalita nila sa television. Narinig ko ang mga announcement at commercial sa Startalk ng tatlong komentarista at komedyante na halos makiusap sa audience para magpadala ng mga tsismis o anumang tungkol sa mga artista nang may maibalita naman sila. Gayong ang kanilang portion naman sa nasabing show ay puro hango lang sa mga balita sa mga tabloids. Comment na lang sila ng comment sa sinasabi ng iba.
Kunsabagay karamihan talaga sa mga entertainment items ay second hand news o third hand pa nga at sa one-on-one interviews ka lang nakakakuha ng first hand information tungkol sa mga artista at kung minsan ang mga ito ay mga half-true o half-false. Kadalasan din ang mga balitang showbis o balitang artista ay nanggagaling sa mga press releases ng mga manager at ang mga ito ay siyempre favorable sa mga tao at kumpanya nilang ipino-promote.
But it is daw the nature of the business. Exaggeration, publicity and promotion. Bahala na ang audience o readers ang humusga kung papatulan nila ang balita o hindi. Tutal ang entertainment news day ay nasa category ng trivia. Pero sa palagay ko trivia man, kailangan may responsibilidad ang mga nagbabalita. At kailangan panindigan nila ang kanilang sinasabi o sinusulat. Ang reputasyon o pagkakakilala sa mga writers at reporters ay batay sa kanilang sinasabi at sinusulat.
Ang promo at publicity ng pelikulang Castaway ay nakatuon sa adventure ni Tom Hanks sa isang deserted at isolated island sa Pacific at nanatili siya doon ayon sa istorya ng apat na taon na walang contact sa sinumang tao o anumang hayop sa kagubatan. Doon na sa islang iyon at sa mahabang panahon na iyon niya na-realize at natiyak kung ano marahil ang mga mahahalagang bagay sa kanyang buhay. At ano ang mga bagay na iyon–pag-ibig, pagnanais mabuhay, survival at pagtanggap sa itinatadhana ng kaparalan.
Sa pelikula si Tom Hanks ay isang magandang halimbawa ng tinatawag na American consumerist society, maganda ang trabaho bilang isang management expert ng Fed Ex, mariwasa ang buhay at walang problema. May babae siyang minamahal na handa na niyang pakasalan, mataas ang kanyang economic level, mahusay siyang makisama sa kapwa, no emotional problem, wika nga. Ito ang minimithing buhay ng karamihan sa atin.
Hanggang bumagsak nga ang kanyang sinasakyang eroplano at nag-iisa siyang napadpad sa isang isolated island. Halos mabaliw siya, halos mamatay pero talagang fighter, sabi nga. Lumipas ang apat na taong pakikipagsapalaran sa forces of nature at sa kanyang sariling mga kahinaan na napagtagumpayan naman niyang lahat. Noong halos mawalan na siya ng pag-asa, natagpuan din siya at naibalik sa sibilisasyon. At dito sa palagay ko ang totoong umpisa ng pelikula.
Paano niya haharapin ang babaeng naiwan niya, nag-asawa na ito ng iba sa pag-aakalang patay na siya. Ipaglalaban pa ba niya ang babaeng ito dahil mahal pa rin niya ito? Magpapatuloy ba siya sa pagtatrabaho sa Fed Ex? O magbabangon na muli mula sa mahabang pagbabakasyon upang hanapin ang kanyang sarili. Ano na nga ang kanyang gagawin sa buhay? Maghahanap ba siya ng ibang pag-ibig? Ganito siguro ang mga nais iparating ng pelikulang Castaway.
Kunsabagay karamihan talaga sa mga entertainment items ay second hand news o third hand pa nga at sa one-on-one interviews ka lang nakakakuha ng first hand information tungkol sa mga artista at kung minsan ang mga ito ay mga half-true o half-false. Kadalasan din ang mga balitang showbis o balitang artista ay nanggagaling sa mga press releases ng mga manager at ang mga ito ay siyempre favorable sa mga tao at kumpanya nilang ipino-promote.
But it is daw the nature of the business. Exaggeration, publicity and promotion. Bahala na ang audience o readers ang humusga kung papatulan nila ang balita o hindi. Tutal ang entertainment news day ay nasa category ng trivia. Pero sa palagay ko trivia man, kailangan may responsibilidad ang mga nagbabalita. At kailangan panindigan nila ang kanilang sinasabi o sinusulat. Ang reputasyon o pagkakakilala sa mga writers at reporters ay batay sa kanilang sinasabi at sinusulat.
Sa pelikula si Tom Hanks ay isang magandang halimbawa ng tinatawag na American consumerist society, maganda ang trabaho bilang isang management expert ng Fed Ex, mariwasa ang buhay at walang problema. May babae siyang minamahal na handa na niyang pakasalan, mataas ang kanyang economic level, mahusay siyang makisama sa kapwa, no emotional problem, wika nga. Ito ang minimithing buhay ng karamihan sa atin.
Hanggang bumagsak nga ang kanyang sinasakyang eroplano at nag-iisa siyang napadpad sa isang isolated island. Halos mabaliw siya, halos mamatay pero talagang fighter, sabi nga. Lumipas ang apat na taong pakikipagsapalaran sa forces of nature at sa kanyang sariling mga kahinaan na napagtagumpayan naman niyang lahat. Noong halos mawalan na siya ng pag-asa, natagpuan din siya at naibalik sa sibilisasyon. At dito sa palagay ko ang totoong umpisa ng pelikula.
Paano niya haharapin ang babaeng naiwan niya, nag-asawa na ito ng iba sa pag-aakalang patay na siya. Ipaglalaban pa ba niya ang babaeng ito dahil mahal pa rin niya ito? Magpapatuloy ba siya sa pagtatrabaho sa Fed Ex? O magbabangon na muli mula sa mahabang pagbabakasyon upang hanapin ang kanyang sarili. Ano na nga ang kanyang gagawin sa buhay? Maghahanap ba siya ng ibang pag-ibig? Ganito siguro ang mga nais iparating ng pelikulang Castaway.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am