Tatlo lang silang hurado sa bawat festival at siya ang napiling pangulo ng hurado. "We were there to judge the best Asian Film pero ang pinakamasaklap sa lahat, walang entry ang Philippines. At nagkataon, the president of the jury is from the Philippines. Ang Thailand, umaarangkada, ang Vietnam, umaariba, and China gets away with all of the prizes, and suddenly, no Philippine entry.
"Kaya lahat sila, nagtatanong sa akin, ‘What happened?’ ‘How come you don’t have any entry?’ Ang sagot ko na lang sa kanila – ‘Maybe it’s not just this year,’ or ‘Maybe, a change of priority will be done next year’."
Sampung taon na ring nakukumbida si Nick palagi sa mga ganitong uri ng festival. Halos alam na niya ang laro sa ganitong uri ng paligsahan ng pelikula kaya nga sabi niya, "Bakit naburo na lang ako dito sa Mowelfund bilang director general? So now, I want to go into production. So, I wasn’t there only to serve in the jury but also to raise money for my films. I want to make a film, in an independent production, with money from the outside, and hopefully, we can get back into the international circuit."
Napabalik lang ng bansa si Nick dahil sa muling pagbubukas ng Pelikula at Lipunan Film Festival na nagsimula sa Iloilo noong Pebrero 7, nagtuloy sa Cebu noong Pebrero 16 at pinakahuli, dito sa SM Manila, mula Pebrero 21-27. Ang konsentrasyon ngayong taon na ito ay sa ilang Tagalog Film Classics gaya ng Insiang, Tatlo, Dalawa, Isa, Dalagang Ilocana at Maalaala Mo Kaya?, short films gaya ng Still Lives at Dihon at gay and lesbian documentaries gaya ng prize-winning film ni Paolo Villaluna, Palugid.
Tulad ng inaasahan, ang ganitong uri ng mga pelikula ay hindi gaanong pasukin ng publiko. Lalo na kung straight short films o documentary lang ang ipalalabas. Ang pinakamabuting pormula ay isabay ang isang short film o docu sa isang main feature film. Pero sabi nga ni Nick, "That is why we are experimenting. Kasi, sa SM Iloilo, successful ang Ilonggo short films, nagtagal ng four days ang festival doon."
Pero mas curious ako kung bakit walang Filipino film entry sa Berlin this year. Ano ba ang katangian ng pelikula ang dapat pumasok para makipagtunggali at magwagi?
"Ang pinakamagaling natin dito, which is so melodramatic, it is the lowest priority ng festival!" diin ni Nick. "Tumigil na tayo sa kagagawa ng mga pelikulang iyakan, and all that, kasi, iba na ngayon ang lengguwahe ng pelikula. Being the president of the jury, I am there in these festivals to listen to different kinds of reasoning and argument, kasi, iba na talaga ang takbo ng pelikula ngayon!"
Sa tono ng tinig ni Nick, tila may hinanakit siya sa trato sa kanya bilang filmmaker sa sariling bansa kaysa ibang bansa. Yung punto na siya ang inihahalal na pangulo ng hurado ng mga kasamang representatives mula sa India, Spain, Norway at France ay pagpapatibay na mas kilala siya roon kaysa rito. Parunggit nga niya, "Dito lang naman sa Pilipinas hindi ako kilala kaya nga iniinterbyu mo pa ako para makilala, di ba? They are more familiar with my films in other countries at saka doon, walang intriga. Hindi ka na nila isa-size up pa whether you are worthy or not. By impression, they know at once, hindi gaya rito na didikdikin ka nila talaga."
Napakarami nang short films at documentaries si Nick na umani ng papuri at karangalan sa ibang bansa gaya ng Isaak, Private Wars, Oliver at The Sex Warriors and the Samurai. Noong isang taon, ginawa niya ang kauna-unahan niyang feature film, Pedrong Palad, na umani ng kritisismo. Na-frustrate ba siya rito? "Ilan ba silang tumitira sa akin? Sabi nila, ‘Salita lang nang salita si Nick, wala namang commercial film yan? Tingnan natin kung kikita ang pelikula niya!’ Look, I did not intend it to be a prize-winning film. I just took up that challenge ng mga nagpaparunggit sa akin. Ang prediction nga sa akin ng mga detractors ko, first day, last day yan! Mama, sa totoo lang, two weeks, halos tumakbo ng three weeks, ang pelikula ko! Mino-monitor ko, kaya alam ko. Kilala ko ang lahat ng bookers sa SM, kaya alam ko.
"My frustration there was that nag-reconcile lang ako sa reality. Kaya hindi ako alienated. Pag may tumira sa akin, alam kong sagutin. In fact, I can write a book about the movie industry and how the mind of Mother Lily works. I know exactly what’s ahead of me, what road I have to take. Na-affirm ko sa aking sarili na this is not exactly what I want to do. I am back to the international circuit and I am trying to raise up a million dollars right now. My pledges na ako around 2,000 dollars. Magkano ba ang ginastos sa Pedrong Palad? That’s just P3.5M or 80,000 dollars. Kung tutuusin, low budget pa ang one million dollars. Eh sa Hollywood, talent fee lang nina Julia Roberts at Tom Hanks, 20 million dollar each. Eh ang pelikula pa?"
Kaya nga sabi ni Nick, sa budget na ibinigay sa kanya sa Pedrong Palad, wala nang puwedeng mag-akusa sa kanya na hindi niya pinagbuti ang pagkakagawa nito sa ganun kaliit na budget. "No regret ako sa project na ’yon and I hate the word "compromise" but in the end, I had to resort to that."
Sa huli, ano ang maipapayo niya sa Filipino film makers para makapasok ang pelikula nila sa international film festivals. "They should see more films other than the Hollywood movies. Itong pagpapalabas ko ng mga independent films na wala namang gustong manood bale, ito ang lengguwahe ng international audience."