Viva, interesado kay Yani

May maipapagmamalaki na naman ang Philmoda ni Jojo Veloso dahil sa bago nilang pasisikatin na si Yani Ross.

Angat na angat ang beauty ni Yani Ross at puwede talaga siyang maging beauty queen. Mukhang nabighani nga ng alagang ito ni Jojo Veloso ang Mayor ng Naval Biliran province na si Gerry Boy Espina na mukha ring artista.

Ngayon pa lang, marami na ang interesado kay Yani Ross at isa na rito ang big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario.

Kung ganda’t-ganda lang ang pag-uusapan, talagang hindi pahuhuli ang beauty ni Yani dahil mestisahin din ang batang ito at kahit nasa poder siya ni Jojo Veloso ay iba naman ang packaging ng image nito–wholesome.

At sa pagkakataong ito nagsalubong ang landas nina Yani Ross at Cong. Espina na tahasang sinabi na malapit na niyang isapelikula ang kanyang buhay na gagampanan naman ng kanyang guwapong anak na si Mayor Gerry Boy Espina ng Naval at napipisil nilang maging leading lady ay si Yani Ross.

Show comments