Magiging Donita si Arnel

Hitik sa katatawanan ang mga Lunes sa GMA dahil lumipat na ang Kiss Muna pagkatapos ng Pinoy Blockbuster tuwing 9:30 pm.

Makakasama ngayong Lunes nina Ara Mina, Klaudia Koronel, Joey De Leon, Elizabeth Oropesa, at Jomari Yllana ang crush ng bayang MTV VJ na si Donita Rose.

Maiistorbo ang "lashing" nina Third (Jomari Yllana) at BJ (Arnel Iganacio) ng katok sa pinto mula sa isang matandang nauuhaw at humihingi ng tubig. Bilang sukli sa kabaitan ni BJ (beer pa nga ang inabot niya sa lola), binigyan siya ng isang "magic sando" na nang isuot niya ay naging babae siyang kamukhang-kamukha ni Donita Rose!

Sino kaya ang malilinlang at maaakit ni Arnel na may mukha’t katawan ni Donita? Si Joms kaya? May milagro kayang mangyari sa kanila?

Kiss Muna
, sa bagong timeslot nito tuwing Lunes, 9:30 pm, sa GMA.

Show comments