"Pantay-pantay lang ang trato sa amin dito sa Seiko," pahayag ng 21 anyos na bold actor. "Saka kung hindi si Leonardo Litton, ako ang bida. Palitan lang kami. Pero dito sa bago naming project, magpinsan kami. Kung mabait ako sa Kangkong, dito sa Tikim, tarantado ang papel ko. Si Leonardo, siya yung probinsyanong tatanga-tanga. Challenging pareho ang role namin ni Litton. Walang lamangan. Gaya rin sa Arayyy! at Burlesk King na nagkasama kami."
Si Barbara Milano ang love interest dito ni Rodel. Female hustler ang papel niya rito. "First time kong makakasama sa pelikula si Barbara," sabi niya. Ang role ni Barbara ay previously intended for Nini Jacinto, pero sa hindi malamang pangyayari, gusto nang maging freelancer ng dating pambatong boldstar ng Seiko.
Si Rodel ay ipinakilala ng Seiko sa Pisil noong 1998 bagaman bago ito, lumabas na siya sa ibang film company, kung saan, supporting role ang kanya sa Ambisyosa bilang kapatid ni Elizabeth Oropesa na minaltrato si Glydel Mercado. "Si direk Buboy Tan kasi ang bale nag-encourage sa akin noon na i-try ko ang showbis," pagbabalik-tanaw niya. "Bale classmate ni direk Buboy ang mother ko. Kaya tinulungan niya akong makapasok sa pelikula at naging manager ko nga later on si Allen Villalon na ipinasok ako dito sa Seiko."
Masaya si Rodel sa Seiko, pero ang kulang na lang sa kanya ay isang matinding papel na mapapansin siya para magkaroon man lang ng citation o nomination for best actor. "Lahat naman ng artista, siyempre, gusto nilang magka-award. Nitong mag-story conference kami sa Tikim, sabi ni direk Joey Reyes, inaasahan niya na lahat kaming mga artista na gaganap sa first directorial job niya sa Seiko, pang-award ang acting na ipapakita. Kaya nga, mas lalo kong pagbubutihin ang performance ko rito."
Impresibo naman ang acting na naipakita ni Rodel sa Arayyy! ayon sa mga kritiko. Ito ang isa sa mga pelikulang kinakitaan siya ng husay bukod sa Burlesk King, lalo na sa eksenang nagkita sila ni La Oropesa na matagal na niyang hinahanap. "Basta maganda ang role at magaling ang direktor na mino-motivate ka na pagbutihin mo ang karakter na ipo-portray mo, nai-inspire ka na pagbutihin ang acting mo, na galingan mo talaga," pagtatapos ng aktor na idol si Brad Pitt.
Sa mga bagong pasok na artista sa pulitika, sabi niya, "May chance na manalo si Nora Aunor bilang governor ng Camarines Sur. Talagang malaki ang chance niya, kaya lang, ang nakikita ko, pera talaga ang labanan sa lugar na gusto niyang panungkulan.
"Sina Phillip Salvador, Tirso Cruz III at Rudy Fernandez, pare-pareho na lang silang walang chance na manalo sa election na darating. Yon ang nararamdaman ko."
Sa pulitika, nakikita ni Brian na hindi madali para kay Gloria Macapagal-Arroyo na mamintina ang kanyang posisyon. "She will have a lot of rough times and tumbles. Si Erap, reresbak. Magkakaroon ng assassination attempts kay GMA but she will not be dethroned."
Sa kabuuan, sabi ni Brian, ang showbiz this year ay makakabangon, kaya lang unti-unti. "Mas okey this year of the Snake ang showbiz compared last year na konti lang ang na-produced na movies."
Malambing magsalita si Brian dahil sa pagiging Ilonggo niya. Nineteen years na siyang psychic consultant, isa pa siyang pastor ng Baptist fundamentalist. Kabisado niya ang tarot, palmistry, numerology, astrology, domino, runes, dice, feng shui, past life reading at dream interpretation. "Pero may isa akong edge sa ibang psychics. Para akong may X-ray vision. Kahit nakadamit ka, mabibilang ko ang nunal mo sa katawan."
Noong isang taon, gitna ng year 2000, nagbigay na ng prediction si Brian sa mangyayaring pagkakatanggal ni Erap bilang presidente. "I told that to a symposium I attended at UST and Ateneo. I also predicted a plane crash that happened and the boat that sunk in the Visayas."
Magbibigay na lang ako ng komentaryo ko sa psychic na ito oras na sumemplang ang mga forecast niya lalo na tungkol sa showbis.