Robin, gagawa ng musical movie!
February 25, 2001 | 12:00am
Wala pang titulo ang movie at ang kanyang leading lady ay pinag-iisipan pa kung sino pero, nakakalamang na si Donita Rose who has not been seen on the big screen for quite a time now. At dahilan sa nami-miss na rin ng mga tagasubaybay ng pelikulang Tagalog ang mestisang aktres na matagal na ring nagtatrabaho sa Singapore bilang isang VJ, magiging isang welcome treat sa kanila ang pelikula lalo’t sa kauna-unahang pagkakataon na makikita nila ang maaksyong aktor sa isang pelikulang musikal. Yes, kakanta si Robin sa movie at kung suswertihin ang Star Cinema baka mapapayag pa nilang magsayaw si Robin Padilla. Hindi na ito bago dahil nakita na siyang nagsayaw sa isa niyang ginawang movie.
"Apat na kanta sa soundtrack ng movie ang kakantahin ko," pagmamalaki niya during the presscon para sa pelikula niyang Ooops, Teka Lang....Diskarte Ko ‘To! na kung saan ay katambal niya si Claudine Barretto.
Isang pulis si Robin sa pelikula na kinuha ang serbisyo ng isang babae (Barretto) para iligtas ang kanyang kapatid na babae (Bernadette Allyson) na kinidnap ng isang malaking sindikato for white slavery. Hindi alam ng babae na madaling tinanggap ng pulis ang trabaho na ibinibigay niya ay sa dahilang may galit din ito sa mga magkapatid na pinuno ng sindikato (Tonton Gutierrez at Renzo Cruz) na nag-frame up sa kanya.
May sidekick ang pulis na siyang magbibigay ng comic relief sa napaka-maaksyong pelikulang ito na nasa direksyon ni Joe Carreon.
Muli, patutunayan ni Jolina Magdangal ang kanyang versatility sa pamamagitan ng isang dance album na inilabas ng Star Records at pinamagatang "Red Alert: All Hits Dance Album." Nagtatampok ito ng 12 songs, digitally mastered, giving the songs new techno-electronic flavor na gustong-gusto ng mga disco bulls.
Si Jolina ang nag-isip ng konsepto ng album. Naghahanap siya ng naiibang konsepto na aayon sa mga naging pangyayari sa bansa, gaya ng impeachment trial at ang sumunod na People Power 2.
Siya ang nagbigay ng titulong "Red Alert," pumili ng mga designs ng damit na isusuot niya sa pictorial para sa album na dinisenyo ni Boying Eustaquio at ang packaging ng CD.
May pinrodyus siyang music videos ng "Laging Tapat" at "TL Ako Sa ‘Yo" kasama ang Road Runner na ginamitan ng latest softwares.
Nasa loob ng album ang mga awiting "Angel For Life," "Crying Time (No Tears Remix)," "Puppy Love (Ungga Club Remix)," "Paper Roses (Luminous Pounder Mix)," "Oh Babe (Pedal to the Metal Mix)," "Smile (Latino Inferno Mix)," "Sweet 16 (Techno Country Mix)," "All The Way (Bottomless Mix)" at "Angel For Life (Classical Filter Dub)".
Napaka-swerte naman ng mga kapatid ko sa hanapbuhay na sina Roger Parajes at Rey Pumaloy. Kararating lang nila mula sa dalawang linggong biyahe sa London. Dinala sila ro’n ng alagang singer ni Roger na si Frederick Herrera para i-cover ng live ang kanyang concert dun. Isinama na niya ang bestfriend niya na si Rey na kaibigan din at tumutulong sa publicity ng London based recording artist.
Nakatutuwang malaman na mayro’n pa ring mga artista na katulad ni Frederick na marunong mag-alaga sa mga taong tumutulong sa kanya. Hindi biru-biro yung ibinigay niyang libreng bakasyon kina Roger at Rey na sa gitna ng kalamigan ng London really felt the warmth of their protegges kindness. Ilang artista lang ba ang nakakagawa ng ganito sa kanilang mga PROs and friends from the press?
Babalik po ng London ang dalawa sa July at December para sa dalawa pang shows ni Frederick at sa August, kasama silang muli ng singer sa Italy.
"Apat na kanta sa soundtrack ng movie ang kakantahin ko," pagmamalaki niya during the presscon para sa pelikula niyang Ooops, Teka Lang....Diskarte Ko ‘To! na kung saan ay katambal niya si Claudine Barretto.
Isang pulis si Robin sa pelikula na kinuha ang serbisyo ng isang babae (Barretto) para iligtas ang kanyang kapatid na babae (Bernadette Allyson) na kinidnap ng isang malaking sindikato for white slavery. Hindi alam ng babae na madaling tinanggap ng pulis ang trabaho na ibinibigay niya ay sa dahilang may galit din ito sa mga magkapatid na pinuno ng sindikato (Tonton Gutierrez at Renzo Cruz) na nag-frame up sa kanya.
May sidekick ang pulis na siyang magbibigay ng comic relief sa napaka-maaksyong pelikulang ito na nasa direksyon ni Joe Carreon.
Si Jolina ang nag-isip ng konsepto ng album. Naghahanap siya ng naiibang konsepto na aayon sa mga naging pangyayari sa bansa, gaya ng impeachment trial at ang sumunod na People Power 2.
Siya ang nagbigay ng titulong "Red Alert," pumili ng mga designs ng damit na isusuot niya sa pictorial para sa album na dinisenyo ni Boying Eustaquio at ang packaging ng CD.
May pinrodyus siyang music videos ng "Laging Tapat" at "TL Ako Sa ‘Yo" kasama ang Road Runner na ginamitan ng latest softwares.
Nasa loob ng album ang mga awiting "Angel For Life," "Crying Time (No Tears Remix)," "Puppy Love (Ungga Club Remix)," "Paper Roses (Luminous Pounder Mix)," "Oh Babe (Pedal to the Metal Mix)," "Smile (Latino Inferno Mix)," "Sweet 16 (Techno Country Mix)," "All The Way (Bottomless Mix)" at "Angel For Life (Classical Filter Dub)".
Nakatutuwang malaman na mayro’n pa ring mga artista na katulad ni Frederick na marunong mag-alaga sa mga taong tumutulong sa kanya. Hindi biru-biro yung ibinigay niyang libreng bakasyon kina Roger at Rey na sa gitna ng kalamigan ng London really felt the warmth of their protegges kindness. Ilang artista lang ba ang nakakagawa ng ganito sa kanilang mga PROs and friends from the press?
Babalik po ng London ang dalawa sa July at December para sa dalawa pang shows ni Frederick at sa August, kasama silang muli ng singer sa Italy.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended