Love scene sa ibabaw ng puno?

Bagaman at kapwa nagdesisyon na sina Ina Raymundo at Klaudia Koronel na tumigil na sa paggawa ng mga bold films, may isa pang bold movie silang ginawa, bago pa sila nagpasyang mag-iba ng imahe, ang Tuhog na ayon sa marami ay isang masterpiece ni Jeffrey Jeturian mula sa istorya ng isa pa ring magaling na manunulat, si Bing Lao para sa Regal Entertainment.

Parehong ipinagmamalaki ng dalawang aktres ang Tuhog na kung saan ay umarte sila nang hindi pa nila naiaarte dati, eliciting raves from the press, critics, academicians, students and even ordinary people na nanood ng special exhibitions ng movie.

.Pareho ang roles ng dalawa sa movie. Si Ina ang real life innocent barrio lass na naging biktima ng pagsasamantala ng kanyang lolo. Si Klaudia naman ang bold star na gumaganap ng role ni Ina sa big screen.

Sa kabila ng mga delikadong topics na ipinakikita sa movie - rape, incest dysfunctional families, exploitation - "The film is proof that a bold theme, when intelligently handled, can turn into a quality work," ani Ina.

Ang Tuhog ay matapang sa pagpapakita ng isang lumang istorya na binigyan ng makabagong approach, combining the elements of documentary and cinema.

Bago ang Tuhog, ang naunang dalawang pelikula ni Jeturian na umani ng papuri ay ang Sana Pag-ibig Na at Pila Balde. Si Bing Lao din ang kanyang writer.

Dalawang baguhang aktor din ang nabigyan ng pagkakataon na makapareha nina Ina at Klaudia, sina Eric Parilla at Raymond Nieva. May mga love scenes silang apat na kinunan sa mga di inaasahang mga lugar gaya ng itaas ng puno at inside a barn.

Kasama ng apat ang isang brilliant cast na binubuo nina Jaclyn Jose, Dante Rivero, Irma Adlawan at Nante Montreal.
*****
Naging isang makulay na selebrasyon ang Valentine’s Day sa mga naninirahan sa vicinity ng Roces and Quezon Avenue.

Sa araw na ito ay lumibot ang mga kabataang walang pandinig at kabilang sa Special TEAM for Deaf Persons Foundation, Inc. na pinamumunuan ni Aga Muhlach bilang Chairman at namahagi ng mapupulang bulaklak ng rosas sa mga residente ng mga nasabing lugar kasama na ang mga dumaraan lamang sa kanto ng Roces at Quezon Ave. na kung saan ay matatagpuan ang Women In Fashion, isang RTW store na ang mga naglilingkod ay pawang mga bingi lamang. Sa area rin ng Roces Ave., sa Sct. Tobias, matatagpuan ang Aga Muhlach Centre for the Deaf na kung saan ay sinasanay ang mga bingi bilang paghahanda sa pagkakaroon nila ng trabaho.

Si Aga Muhlach bilang endorser ng Jollibee ang unang nakaisip ng paraan para tulungan ang mga kabataang bingi na makakita ng trabaho sa mga outlets ng Jollibee pero, ito ay matapos lamang na ma-train sila ng STEAM.

Hndi natatapos ang tungkulin ng STEAM sa mga bingi sa pagkakaroon nila ng trabaho. May proyekto pa ito na ginagawa para naman matulungan ang mga bingi na makapag-aral at makakuha ng degree sa tulong pa rin ng Jollibee.

Sa tulong pa rin ni Aga at ng Jollibee, inaasahan ng mga may kapansanan sa pandinig na marinig natin ang sinasabi nila sa pamamagitan ng kanilang mga kamay at mabigyan natin sila ng kaunti pang pang-unawa at pasensya.
*****
Mapapanood sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales sa isang roadshow na lilibot sa mga key cities ng bansa na sponsored ng Western Union, isang worldwide remittance corporation.

Magsisimula ito sa Bayanihan Park, Clarkfield, Angeles City sa Peb. 25.

Pangungunahan ng pareha ng telenobelang Pangako Sa ‘Yo ang isang variety program kasama sina Leonard Obal at Ruby Rodriguez.

Show comments