^

PSN Showbiz

'Twosome', palabas na !

-
Pagkatapos ng matagumpay na premiere night kagabi (Feb. 20) sa SM Manila Cinema 4, palabas na sa mga sinehan ngayong araw (Feb. 21) ang Tusong Twosome, ang pinakahihintay na comedy film ng marami, tampok ang dalawang sikat na singer-comedians na sina Janno Gibbs at Andrew E.

Ang Tusong Twosome ang kauna-unahang pelikulang magkasama sina Janno at Andrew E. bilang mga bida. Ito rin ang first directorial assignment ng comebacking director na si Ben Feleo na siya ring nag-direk ng mga blockbuster movies ni Andrew E. noon tulad ng Humanap Ka ng Panget at Ang Boyfriend Kong Gamol.

Siyempre, upang lalo pang maging exciting ang pelikula, binigyan ng ka-loveteam sina Janno at Andrew E. sa katauhan nina Jackie Forster at ang newcomer na si Victoria London.

Kasama din bilang kontrabida sina Joanne Quintas, ang boss ng sindikatong kumidnap kina Jackie at Victoria at David Bunevacz na gaganap bilang sidekick ni Joanne.

Inaasahang riot talaga sa katatawanan ang pelikula dahil pinagsama-sama ang husay at galing nina Andrew, Janno at Direk Ben Feleo. Proven and tested na kasi ang galing ng mga ito pagdating sa comedy ngunit mas mapapatunayan ito sa pamamagitan ng pelikulang ito. Bukod pa rito, pinagmamalaki din nilang bago at kakaiba ang humor at jokes na ipapakita nila dito sa Tusong Twosome na produced ng Viva Films.

vuukle comment

ANDREW E

ANG BOYFRIEND KONG GAMOL

BEN FELEO

DAVID BUNEVACZ

DIREK BEN FELEO

FEB

HUMANAP KA

JACKIE FORSTER

JANNO

TUSONG TWOSOME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with