Dingdong, iiwan na rin ang showbiz !

Balitang magku-quit na sa showbiz si Dingdong Dantes dahil nawalan na rin daw ito nang gana buhat nang umalis ang kanyang rumored girlfriend na si Antoinette Taus.

Ang balita pa, susundan daw ni Dingdong si Antoinette sa Amerika at doon na rin mamamalagi?

"Mahirap ’yon. Marami pa akong commitments na kailangang tapusin dito sa atin. Kaya malabo ang balitang ’yan. That’s all untrue!" pagtanggi naman agad ni Mr. Dantes.

"Well, it’s true na may plano akong magpunta sa States at dalawin si Antoinette. Pero plano pa lang naman ’yon at wala pang definite. And maybe this summer," dagdag niya.

Hindi rin daw totoo ang kumakalat na balita na mabilis niyang naipagpalit si Antoinette sa ibang babae na Atenista. Ang balita pa nga’y madalas niyang kasa-kasama ngayon.

"She’s just a friend of mine. Kaya huwag na sanang gawan ’yon ng isyu. Huwag na rin sana kaming pag-awayin pa ni Antoinette," pakiusap pa ng guwapong binata.

Napag-usapan din ang tungkol sa mga offers sa kanya nang paghuhubad na rin sa screen.

"Maraming offers pero hindi naman kasi ’yon kailangang biglain. Darating din siguro tayo ro’n sa point na tatanggap na rin tayo ng role na medyo sexy and daring, pero hindi naman ’yung sobrang bold," pagtatapos na rin ni Dingdong. — RP

Show comments