Hawak pa rin ni Nini ang korona sa Seiko !
Bagaman pilit pinag-aaway sina Nini Jacinto at Brigitte de Joya sa pamamagitan ng pagsasabi na naagaw na ng huli ang korona ng una sa bakuran ng Seiko Films, confident si Nini na hanggang ngayon ay hawak pa rin niya hindi lamang ang korona kundi maging ang pagtitiwala ng kanyang pinaka-mamahal na producer na si Robbie Tan. "Hindi pa naman sumasablay ang mga pelikula ko sa Seiko at hindi ko itinuturing na karibal si Brigitte kundi isang kasama sa Seiko na nabibigyan ng magandang break dahil deserving siya," ani Nini.