Hindi inaasahan ang ganitong pangyayari dahil hindi naisip ng kahit sino na puwede itong mangyari sa totoong buhay.
Pero ayaw man nating tanggapin pero nangyari ito sa totoong buhay na tatalakayin bukas ng gabi sa Kasangga, 9:00-10:30 p.m. over GMA 7.
Ayon kay Andrea Tan, staff ng nasabing programa, ni-research muna nila ang nasabing kaso bago sila nag-decide na i-feature ito.
Meron daw silang grupo na nagsasagawa ng malalim na interview para madiskubre kung ano talaga ang pinag-ugatan ng mga kasong pini-feature nila sa Kasangga partikular na nga dito sa episode na "Nanay na Magimik, Pinatay Ni Junior."
Ang magaling na aktres na si Pilar Pilapil ang gaganap na ina na pinatay ng anak niyang ginampanan ni Marcus Madrigal. Makakasama rin nila si Dante Rivero.
Bihira nang mapanood si Pilar Pilapil sa pelikula at telebisyon pero nang i-offer sa kanya ang nasabing episode, oo agad ang sagot niya.