^

PSN Showbiz

A romance in the making

-
Nakakahiya na inabot ko na ang edad na singkwenta pero kinilig pa rin ako habang kausap si Rica Peralejo during the shoot of her second sexy movie, her launching movie to be exact dahil dun sa first sexy movie niya na Balahibong Pusa ay nag-share sila ni Joyce Jimenez ng credit sa box-office. Hindi rin naman siya nag-iisa dito sa Sa Huling Paghihintay, bahagi siya ng isang loveteam na inaasahan ng marami na hindi lamang sa big screen magkakaroon ng magandang resulta kundi maging sa tunay na buhay. The other part is Bernard Palanca, isang dati ay nagko-kontrabida lamang sa kanyang mga movie pero binigyan ng opportunity ng Viva Films na maging isang romantic leading man ni Rica.

Yes, obvious na obvious sa aming group interview nina Manay Ethel Ramos, Chit Ramos, Len Llanes, Salve Asis, Vir Gonzales, Ricky Calderon, Ed de Leon, Letty Celi at Maridol Bismark na may electricity na between the two, aware na sila sa isa’t isa. In fact, nagkakahiyaan sila. Si Rica nga hindi makatingin ng diretso kay Bernard. Hindi siya mapakali, narung itaas niya ang mga paa niya sa silya, she continuously make faces during the interview. Bago ito ay tumanggi siya na ma-interview na kasabay ni Bernard. But we didn’t give her a choice.

Nalaman namin ang dahilan after a while. Natapos na palang kunan ni Direk Eric Matti ang kanilang love scene sa beach. It was no ordinary love scene, it was passionate, sexy and sensual sabi ni Rica.

It was also probably why Bernard gave Rica a bouquet of very expensive flowers, (kung paniniwalaan namin ang florist na nakunan namin ng impormasyon) nung Valentine’s Day. "It was a nice thing to do, a gesture of thanking her, of saying nice working with her," ani Bernard naman.

Both Rica and Bernard have just recovered from a broken love affair, si Rica kay Bojo Molina at si Bernard, kay Mylene Dizon.

"Nakakatuwa dahil na-link din pareho ang mga exes namin," natatawang sabi ni Rica.

Kilig din si Rica sa pangyayaring may ginawang awitin sa kanya si Bernard na pinamagatang "Ilaw". Kinompos niya ito habang kinukunan yung eksena nila sa beach ni Rica. Yung chorus ng song goes something like this:

Dadalhin kita sa aking paraiso

Isisigaw ko ang iyong pangalan.

Hindi kita sasaktan.

Alay walang humpay ang pagmamahal.


Bernard will never allow this to be recorded commercially. Talagang ginawa lamang niya ito para kay Rica sa tulong ng kanyang gitara. And aside from Rica, ang mother lamang ni Bernard ang nagagawan niya ng awitin. "I thought of the lyrics in about an hour, the melody came in like a day," sabi ni Bernard.

Ang Sa Huling Paghihintay is a love story between a young woman of the world (Rica), mula sa isang may kayang pamilya at ng isang lalaki (Bernard) na mula naman sa isang pamilya na mas mababa ng konti ang buhay. May mga passionate love scenes ang dalawa and, again, Rica will show some skin lalo na sa eksena nila sa beach na kung saan ay si Rica ang nag-initiate ng love making. "I invited him to my prom but we ended up not dancing. Instead we went to an ice cream parlor and then to a beach where I took off, my prom dress and went swimming ng nakakamison lamang. Inalis ko rin ang kamison in the end.

"I did the same thing in Balahibo, only in this film, iba lang ang presentation. Also sa Balahibo, yung character ko lang ang binigyan ng emphasis, dito ultimo buhok ko may character. Love story din ito, passionate but not bold at all.

"I am thankful to Direk Eric dahil he protected me during the shoot. He couldn’t even tell me directly to remove my kamison. At wala akong naramdamang malisya kahit na puro barako ang mga kasama ko. Feel ko na ginawa ko ang eksena dahil kailangan at hindi dahil sa ano pa man," pagtatanggol niya.

Habang tumatagal ang pagtatrabaho ng dalawa, mas lalo silang nagkakakilala, nagkakalapit.

"He’s so quiet while I’m so makulit. He doesn’t know what to say. Ako ang problema ko lang is how to kiss him," amin ni Rica.
*****
May bagong kabataang artista na naman na makikilala ang mga manonood ng pelikulang lokal. Siya si Maureen Guese, isang walong taong gulang na beterana ng mga stage plays ( Sound of Music, Annie, Magic Staff, King & I ) at isang mag-aaral sa grade 2 ng OB Montessori, Greenhills.

Bagaman at dalawang taon na siyang artista, first time ito ni Maureen na makaganap ng lead role ("Dati wala pang one minute, tapos na ako. Ngayon ang tagal-tagal ng exposure ko.") Siya ang naging biktima ng desisyon ng isang pribadong mamamayan (Cesar) na ilagay ang batas sa kanyang kamay sa pamamagitan ng pangho-hostage sa anak ng utak ng pagpatay sa kanyang asawa’t anak.

Parehong artist ang magulang ni Maureen na gumanap ng role ng young Carmina sa Esperanza at napapanood pa rin sa Home Along da Riles. "Ako, gusto ko ring mag-drawing paris ng Mommy at Daddy ko pero, gusto ko ring maging scientist," sabi niya. She idolizes Shaina and Serena pero mas gusto niyang masundan ang yapak ng isang Gloria Romero.

BALAHIBO

BALAHIBONG PUSA

BERNARD

ISANG

NIYA

RICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with