Assunta, handa nang maghubad

Sa Pebrero 26 ay debut ni Assunta de Rossi kaya lang hindi pa puwedeng sabihin kung sino ang nasa listahan ng 18 male friends na mag-aabot sa kanya ng 18 roses. Maganda ang dating ng kanyang 18th birthday dahil ang dami niyang movie offers bukod pa sa kanyang launching movie na kung saan nag-decide na rin siyang magpaka-daring gaya ni Rica Peralejo via Red Diary.

Sa Marso ay uumpisahan niya ang isang proyekto sa Star Cinema katambal si Diether Ocampo at baka ang magdirek ay si Laurice Guillen. Isusunod naman ang pelikulang ididirek naman ni Joel Lamangan kung saan ang makakapareha ni Assunta ay si Jomari Yllana.

Hindi lang ang career ng magandang aktres ang bobongga kundi masaya pa rin ang kanyang lovelife. Mahal na mahal siya ni Rommel Adducul at kahit saan siya magpunta ay nakasunod ito gaya nang mag-taping siya ng Click sa Baguio. Pero may kasama naman sila.

Naunawaan naman ng baskebolista ang pagbabago ng imahe ni Assunta at sinabing bahagi lang ito ng trabaho ng kanyang nobya kaya wala siyang dapat na ipagselos.
Inahas nga ba ni Maureen ang asawa ni Lara?
Laman noon ng blind item ang naging relasyon nina Lara Morena at dating asawa niyang si Fausti Tambunting Galang. Hiwalay na ngayon ang dalawa. Ang karelasyon ngayon ni Fausti ay ang seksing aktres na si Maureen Larrazabal. May mga nagpaparatang na inahas nito ang asawa ni Lara pero nagpaliwanag si Maureen na bago sila nagkarelasyon ni Fausti ay hiwalay na ito kay Lara. Isa pa alam ni Lara ang tungkol sa dalawa. Open na ang relasyon ngayon nina Maureen at Fausti. Madalas sinusundo siya nito sa taping. Sustentado naman ni Fausti ang anak nila ni Lara at nanatili silang mabuting magkaibigan.
Piolo, Kabado Kay Maricel S.
Sa mga kabataang aktor ay si Piolo Pascual ang pinaka-in demand ngayon. Kahit mga sikat na aktres ay gusto siyang makapareha gaya ni Pops Fernandez dahil bukod sa malakas ang appeal ay magaling siyang umarte.

May gagawing pelikula si Piolo titled Mila Cabangon: Teacher. Makakapareha niya si Maricel Soriano. Kahit paborito ni Piolo ang aktres ay ’di maiwasan na kabahan siya sa kanilang pagsasama sa pelikula. Baka hindi siya makaagapay sa galing nito at baka matarayan pa siya nito. Pero sa kabilang banda alam niyang marami siyang matutunan dito lalo na sa pag-arte.
Jackie, Sasabak Na Sa ST Movie
Gumanda ang career ni Jackie Forster nang magkahiwalay sila ni Benjie Paras. Hanggang ngayon ay on-going pa rin ang kanilang annulment case.

May mga offer ngayon si Jackie para sumabak sa ST movies at pinag-aaralan pa niya kung tatanggapin ang mga ito. Payag naman siyang magpa-sexy basta’t makabuluhan ang proyekto. Kasama siya sa sex-comedy na Tusong Twosome, sa Torotot under Viva Films sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes. Kailangang kumayod ni Jackie para sa kanyang dalawang anak na nasa kanyang kandili.

Matindi ang sama ng loob niya sa asawa dahil kadalasan ay hindi ito sumisipot sa hearing ng kanilang annulment case.
Claudine, Pang-Soap Opera Na Lang?
Sa pagtatapos ng Saan Ka Man Naroroon ay isa na namang bagong soap opera ang inihahanda para kay Claudine Barretto. Ayon sa magandang aktres, dito siya nagugustuhan ng mga manonood kaya dito na siya inilalagay.

Isa si Claudine sa ilang artistang masinop sa buhay kaya nakakaipon siya. Malabo pa silang lumagay sa tahimik ni Rico Yan dahil nag-iipon pa sila.
Aktor, Bumebenta Sa Halagang P2,000
Dating sikat ang aktor na ito pero dumating sa puntong nanamlay ang kanyang career. Minsan ay naggi-guest na lang siya sa TV. Ang aktor na nanggaling sa isang showbiz clan ay nakuha ng isang mayamang kaibigan na taga-showbis din sa halagang P2,000 para sa isang one-night stand. Malinis sa katawan at mabait ang bading na kaibigan niya kaya pumayag ang aktor na ibenta ang sarili kahit sa mababang halaga lang.

Show comments