Mas grabe si Piel ngayon!

Naging certified box-office hit ang pelikulang Burlesk Queen Ngayon ni Ina Raymundo under FLT Films nu’ng ipalabas ito two years ago dahil sa sobrang dami ng nudity sa pelikula. Pero kung ikukumpara ito sa latest starrer ni Piel Morena, ang The Virgin Wife which is also produced by FLT Films ay mukhang malalaos ito.

Sa sobrang dami ng frontal at breast exposures sa pelikula ay hindi na halos ito mabilang ng mga manonood. ’Yung iba, sabi nila mga 15 daw ang nude scenes at frontal, ‘yung iba naman ay sinasabi na base sa kanilang napanood umaabot daw ito ng 20.

"Well, magsasawa talaga ang tao sa mga nude scenes ko sa movie lalo na do’n sa nude painting scene. Ang tagal ng exposure do’n," pag-amin pa ni Piel.

Nu’ng nag-advance screening ang pelikula last Friday, Feb. 9 ay naglibot si Piel sa mga sinehan ng SM, napansin niya na hindi lang mga lalaki ang nanonood ng The Virgin Wife. Marami rin daw mga babaeng pumapasok sa sinehan para panoorin ang kanyang pelikula.

"Siguro nakita nila na hindi bastos ’yung movie. Sobrang bold, pero very artistic." — (Ulat ni Robert Perez)

Show comments