Kabayan Noli, suportado ng Dos sa Senado
February 14, 2001 | 12:00am
Nakapagtataka ba kung magkaro’n ng tampo si Kabayan Noli de Castro sa hindi niya pagkakapili bilang isa sa mga kandidato para Senador ng partido ng People Power Coalition? Dahilan dito ay naiwan siyang nag-iisa sa kanyang layunin na makapagsilbi sa bayan. Hindi naman siya pwedeng umanib na lamang nang biglaan sa iba pang political parties for delicadeza.
Minarapat na lamang niya na tumakbo bilang isang independent na hindi itinuturing na wise decision ng marami sapagkat wala siyang partido at makinarya na sisiguro na hindi siya madadaya sa eleksyon. Milyon din ang gastos sa ganitong proseso at bagaman at may pera si Ka Noli, baka maubos ang kanyang kinita sa maraming taon nang paghahanapbuhay at pagkatapos ay hindi rin siya mananalo.
Dito papasok ang kanyang kinaaanibang TV network, ang ABS-CBN na diumano ay magbibigay ng suporta sa kanya sa lahat ng bagay. In fact, ayon sa isang source, ang Dos ang nag-amuki kay Kabayan Noli na ituloy ang kanyang pagtakbo sa Senado at makakaasa siya ng kanilang suporta. Tila raw yata naapektuhan din ang network sa hindi pagkakapili kay Kabayan Noli bilang isa sa 13 kandidato ng People Power Coalition ganung, he has been topping all surveys para sa mga senatoriables.
Samantala ang mga grupo ng mga kabataan who brought me and many others to Edsa ay nagtatanong kung bakit ginamit ng ruling party ang pangalan ng People Power bilang pangalan ng kanilang partido gayong karamihan naman daw sa mga kandidato nila ay hindi the people’s choice or the young Edsa rallyists’ candidates. Marami raw sa mga kumakandidato only took advantage of Edsa People Power para sa sarili nilang political interest. The people who really worked hard, especially the youth ay nakaligtaan na.
Hindi kataka-taka kung ma-overwhelm si Kris Aquino sa ipinakikitang suporta sa kanya ng ABS CBN. Birthday lamang niya pero higit pa sa isang birthday celebration ang ipinagkaloob sa kanya ng Dos na kung saan ay nagbigay parangal sa kanya ang mula sa pinakamataas na opisyal ng network hanggang sa mga kapwa niya artista. Ang selebrasyon ay angkop sa isang royalty. Isang reyna na siyang turing marahil sa kanya ng network. Wala na sigurong kokontra pa kapag tinawag siyang Queen of ABS CBN.
In fairness to Kris, karapat-dapat naman siya sa mga papuring tinatanggap niya. She is a TV host par excellence, walang maaaring tumalo sa kanya pagdating sa TV hosting at kahit na madalas ay taklesa, ito ay bahagi ng kanyang charm, ng kanyang personalidad. Deep inside, she is a kind person. Madali siyang humingi ng paumanhin sa mga pagkukulang at kasalanan niya. She is truly an asset to the Aquino name.
Happy birthday, Kris!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended