Sikreto ng mga artista, ibubulgar ng Starstudio

Iniisip mo ba ang fashion secrets ng mga paborito mong artista? Gusto mo bang makilala ng lubusan ang hot young actor na si Cogie Domingo of the film Deathrow? Gaano ba talaga kalakas ang dating ni Kenji Marquez? Gusto mo bang masulyapan ang baby girl nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan na si Frankie?

Lahat ng ito ay malalaman natin sa latest issue ng Starstudio Magazine! Sa isyung ito, Starstudio offers to us a glimpse of two hunks that we should watch out for in the future. Napansin ng husto si Cogie Domingo matapos niyang ganapan ang role ni Sonny. He is predicted to be the next important young actor.

Si Kenji Marquez ay ang Kenji Motoki na isa sa mga bida sa Gil Portes flick na Gatas, Sa Dibdib ng Kaaway. Kukuwentuhan niya tayo kung bakit nagdesisyon siyang gamitin na ang kanyang tunay na apelyido at kung sino ba talaga ang dream girl niya.

Starstudio Magazine
is priced at P40 each and is available in all leading bookstores and newsstands nationwide.

Show comments