Katulad ng dati, open ang contest sa mga male groups na binubuo ng limang kalalakihan between 18-35 years old. Kailangan nilang lapatan ng liriko ang popular Ginebra jingle, kantahin ito, i-record sa demo tape at pagkatapos ay ipadala sa Image Dimensions, 8th floor 1 Corporate Plaza, 845 Arnaiz Ave., Legaspi 1229 Makati City o sa PO Box MCS 9093. Kapag mapalad na mapili ang entry ay magkakaroon sila ng pagkakataong sumali sa Sing-Galing upang kalabanin ang iba pang contestants.
Isa pang nakaka-excite na happening sa Sing-Galing ay ang paglibot nito nationwide! Dahil talaga naman ang videoke ay hilig ng mga Pilipino hindi lamang dito sa Kamaynilaan kung hindi kung saan sulok pa man ng Pinas! Maghanda na rin po kayong mga taga-Luzon, Visayas at Mindanao because Sing-Galing will soon come your way! Abangan na lang ang iba pang mga detalye sa Sing-Galing tuwing Linggo, alas-siyete ng gabi sa ABC 5.