Na-curious kasi sila sa frontal nudity ng dalaga at inabangan ang kanyang rape scene na kinunan ng sampung oras. Naging malaking bentahe rin ang approved without cuts ng pelikula.
"At least, may kinapuntahan ang paghuhubad ko, hindi nasayang. Biruin mo kung tinanggal yun sa movie, talagang mawawalan ng saysay yung 10 oras na ginugol namin para dun. Kung sabagay, mas pabor sa akin kung natanggal, dahil talaga sanang ayaw ko mapanood ng tao ang naturang eksena.
"Para bang nahihiya pa ako. In fact, ayaw ko sanang pumayag sa nasabing eksena pero, kailangan talaga sa movie. Ipinaliwanag sa akin ng direktor ang kahalagahan nito sa kabuuan ng pelikula, kaya nag-give in ako. Malaki ang kawalan sa pelikula kung natanggal yun," amin ni Halina.
"Sigurado ko hindi lamang naman yun ang pinanood ng tao kundi ang kabuuan ng movie. May message kasi, may aral na ibinibigay, hindi lang basta paghuhubad. At saka magagaling ang mga kasama ko. Relax ako sa kanila. Inalagaan din naman nila ako. Naghuhubad ako at umaarte pero ang mga lalaking ka-eksena ko ay umaarte and at the same time inaalalayan nila ako."
Bankable star na ngang maituturing si Halina. Nakadalawa na siyang box-office hits. Muli niyang pinatunayan ang pagiging "Halina ng Bayan" niya. Siya na nga ba ang bagong Sex Goddess?
Well, alamin at patunayan! Pumila na sa mga paborito ninyong sinehan at saksihan ang pinagkakaguluhan ngayong Ikapitong Glorya... sa Lupa. Tuklasin din kung bakit mainit na mainit ngayon si Halina Perez.