Mga batang Biktima sa 'Loren'

Tatalakayin sa Loren ngayong gabi, Feb. 10, 11 p.m., sa Channel 2, ang epekto ng digmaan sa Mindanao sa mga batang inilikas sa kasagsagan ng gulo.

Tutunghayan din ang batang si Emmanuel, na nabuhay pagkatapos binomba ng mga terrorists ang LRT noong Dec. 30.

Ang episode na ito ng Loren, na kinatatampukan ni Sen. Loren Legarda sa panulat ni Roy C. Iglesias, ay pinamagatang "Duyan ng Hinagpis." Makikita rin sa episode na ito ang dating NPA na si Jelyn Daong, na ngayon ay isa sa mga scholars ni Legarda.

Tatalakayin din ang mga batang malnourished sa evacuation centers sa Mindanao at ang ginagawa ni Dr. Kadil Sinolinding, Jr. para malutas ang problemang ito sa pamamagitan ng feeding program ni Legarda.

Show comments