Piel, may relayon sa isang broadcaster

Very close si Piel Morena sa broadcaster na si Arnold Clavio ng Channel 7 at DZBB.

Tuwing merong pelikulang ipalalabas si Piel, hindi niya nalilimutang dalawin si Arnold at mag-promote sa programa nito sa radyo at sa telebisyon.

Bago ipalabas ang The Virgin Wife, sinorpresa ni Piel si Arnold sa early morning show nito na Unang Hirit.

Na-shock ang broadcaster nang makita ang beauty ni Piel sa studio ng Channel 7. Nang magkaharap ulit ang dalawa ay bigla na namang nautal at nabulol si Arnold Clavio.

Pero itinanggi ni Piel na meron silang relasyon. Kaibigan lang daw niya ang naturang broadcaster at natutuwa siya sa support na ipinapakita nito sa kanya kaya ganu’n na lang siya kabait dito.

Incidentally, si Piel ang bida sa The Virgin Wife at palabas na ito ngayon sa mga sinehan.

Kasama ni Piel sa movie sina Leandro Baldemor, Tonton Gutierrez, Julio Diaz at Ace Espinosa. The movie is written and directed by Jose N. Carreon.

Show comments