Bukod sa Kaaway Hanggang Hukay, naka-schedule sana siyang mag-promote ng album niya under Dyna Music. Danceable ang karamihan sa song na included sa album kaya hindi nila ngayon alam kung paano ipo-promote ni Ina ang nasabing album.
Matagal-tagal na ring ka-on ni Ina ang nasabing businessman matapos hindi masyadong mag-click ang follow-up movie niya sa Burlesk Queen Ngayon.
Anyway, mismong si Phillip ang nagsabi na grabe ang lovescene nila ni Ina sa Kaaway Hanggang Hukay. "Medyo grabe talaga," he says sa presscon ng nasabing pelikula last Wednesday night.
At kung very open si Phillip about their lovescene, iwas-to-death naman si Ipe na pag-usapan si Kris Aquino. Nang may magtanong kung anong reaction niya sa sinabi ng ex-live in partner niya sa ginawa niyang pagsuporta kay dating Pangulong Estrada, ayaw nang mag-comment ng actor. "Nasagot ko na ‘yan. Saka pakiusap po, ‘wag na natin siyang pag-usapan. Kawawa naman siya. Saka tapos na ‘yung issue na ‘yan, so tapusin na natin," pakiusap niya.
Well, gentleman enough pa rin si Phillip. Grabe ‘yung sinabi sa kanya ni Kris, pero kahit konting masamang salita, hindi siya nagsabi.
At ngayon ngang magsi-celebrate ng 30th birthday si Kris, simple lang ang wish ni Ipe for Kris, "more happiness at sana makita na niya ang tunay na magmamahal sa kanya."
Sinabi rin ni Ipe na loveless siya, as in wala siyang special someone ngayong Valentine. "Wala talaga. Masaya ako sa buhay ko kaya, kahit walang love, okey lang."
At any rate, ala-Face Off ang Kaaway Hanggang Hukay. Kuwento ito nina Phillip (Col. Soriano) at Edu Manzano (Col. Ricarte) na best friends during their PMA days. Pero naghiwalay ang landas nila nang ma-assign sila sa operation sa Mindanao. Soriano was assigned to the mountains samantalang si Ricarte ay na-AWOL.
Very timely ang kuwento ng pelikula may mga ganitong nangyayari sa magkaibigan na sa bandang huli ay sila ang nagkakalaban.
Kay Fernando Poe Jr. nanggaling ang title ng pelikula.
Balitang kailangan ng male partner ni Karen. I think puwede si Marc Logan.
Agree ako sa observation ng marami na si Marc lang ang puwedeng tumapat kay Mike Enriquez ng GMA 7.
Ang alam ko, majority sa showbiz ang nag-nominate kay Nick Tiongson para maging chairman ng MTRCB bilang kapalit ni Armida Siguion-Reyna. Maraming producer din ang favor sa appointment ni Tiongson. So ano kayang problema?