Angelika for stardom

Tama at naging maganda ang naging desisyon ni Angelika dela Cruz nun na lumipat ng network.

Ngayon nga ay tinatamasa niya ang magandang pag-aalaga at trato na ginagawa sa kanya ng GMA-7, kung saan ay itinuturing siyang isa sa mga important stars dito.

Punung-puno ang kanyang schedule ng mga TV shows katulad ng SOP at may pangalawa na rin siyang soap opera na Ngayon at Kailanman.

Naghahanap at naghahanda rin ang nasabing network para bigyan siya ng maganda at malaking break sa movie.

Show comments