Tumanggi sa bold, tumanggi sa stardom?
February 7, 2001 | 12:00am
Habang halos ang lahat ng artista ay unti- unti nang napapayag na sumubok sa bold para lamang makaagapay sa patuloy na pamamayani ng ganitong uri ng pelikula at mapigil ang tuluyang pagkalugmok ng industriya ng pelikula, eto ang isang baguhan na tumanggi sa isang pelikula na kumita sa takilya.
Siya si Lyndon Jero, na tumanggi sa isang bold role sa pelikulang Balahibong Pusa.
Nakilala ko at nakadaupang palad ang bagong bold star. "Talaga lang na action ang gusto ko.
Besides, I don’t have the body for it," sabi niya.
"I am willing to wait for the right break and the right time.
Okay lang. I’m still young.
Meanwhile I am grateful for Direk Willy Milan for making me an important part of Sundalo," dagdag pa niya.
Sayang at hindi nakahabol sa Valentine’s Day ang concert na pagsasamahan nina Pops Fernandez at Side A Band na pinamagatang What You See Is What You Get (WYSIWYG).
Sa February 24 na ito mapapanood, first time ito na magsasama sa isang palabas ang Side A at si Pops. Pareho silang naging abala sa concert scene last year.
Ang Side A ay nagperform sa ilang cities sa US at Canada kasama si Aga Muhlach samantalang naging abala naman sa kanyang sariling mga concerts si Pops na naging mga hits din sa kabila ng krisis sa ekonomiya.
Ang WYSIWYG ay hindi lamang magiging isang gabi ng awit kundi isang malaking dance party na kung saan ay hihimukin na sumayaw ang mga manonood habang inaawit ng mga concert artists ang kanilang mga hits nang magkakahiwalay at magkakaroon din sila ng mga duets.
Hindi raw apektado si Halina Perez sa pag-shift nina Rica Peralejo at Assunta de Rossi sa larangan ng hubaran.
"Masaya ako at sumabay na rin sila sa trend. Sabi nga, mas marami, mas masaya. Ang importante nauna na ako sa kanila," sabi pa ng tinaguriang "halina ng bayan."
Kung sabagay nga, walang dapat ikatakot si Halina sa dalawa. Kumita naman ang launching film niya na Alipin ng Tukso. Kaya nga napakabilis ng follow up movie niyang Ika-Pitong Glorya. Tatlo pang naglalakihang pelikula ang naghihintay sa kanya.
Anang mga supporters niya ay taob pa rin sina Rica at Assunta kay Halina dahil walang dinuktor sa katawan nito. (Ibig sabihin, mayroon sa dalawa?)
Palabas na ang Ika-Pitong Glorya sa Feb. 7, approved without cuts ito.
Mukhang magkakaroon ng mas malaking pangalan ang Ratsky sa larangan ng entertainment sa pamamagitan ng Airtime Entertainment na maghahandog ng apat na post Valentine production sa nasabing lugar. Ang kumpanya ay pinamumunuan ni Baby Pacheco, dating manager at nagpasikat kay Roselle Nava.
Sa Pebrero 15, mapapanood ang Pop-Jazz @ Ratsky na magtatampok sa The CompanY. Susunod ang Roselle and Ralion Dance Concert at Ratsky, sa Marso 1. Magkakaroon ng repeat ng Rhythm and Divette na tatampukan nina Dessa at Ralion Alonso sa Marso 15. Sa Marso 28, magiging wild at wacky ang Ratsky sa isang show na tatampukan nina Arnel Ignacio at Marissa Sanchez na pinamagatang Your Honor Si Arnel at si Marissa Po!
Palaging may puwang ang myembro ng third sex sa programang Lunch Break. Isa sa nadagdag na segment sa show ay nagtatampok sa mga gays. Ito ang "Charing Squad." Ang iba pang bagong segments ay ang "Ermat Kong Siga," "Dance Dynamica," "Babyhisan" at "Toda King."
Ang programang Lunch Break na napapanood Lunes hanggang Biyernes, 11:30 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon sa IBC 13.
Host ng programa na prodyus ng MMG Entertainment Group sina Niño Muhlach, Ladine Roxas, Yam Ledesma, Joy Viado, Earl Ignacio, Hanna Villame, Ronald Gan Ledesma, Leonard Obal, Dang Cruz, Natasha Nave, Yoyoy Villame at Ben Sagmit.
Guests ngayong linggo sina Jenine Desiderio, Alma Moreno, Berwin Meily, Monina Bagatsing at, marami pa.
Siya si Lyndon Jero, na tumanggi sa isang bold role sa pelikulang Balahibong Pusa.
Nakilala ko at nakadaupang palad ang bagong bold star. "Talaga lang na action ang gusto ko.
Besides, I don’t have the body for it," sabi niya.
"I am willing to wait for the right break and the right time.
Okay lang. I’m still young.
Meanwhile I am grateful for Direk Willy Milan for making me an important part of Sundalo," dagdag pa niya.
Sa February 24 na ito mapapanood, first time ito na magsasama sa isang palabas ang Side A at si Pops. Pareho silang naging abala sa concert scene last year.
Ang Side A ay nagperform sa ilang cities sa US at Canada kasama si Aga Muhlach samantalang naging abala naman sa kanyang sariling mga concerts si Pops na naging mga hits din sa kabila ng krisis sa ekonomiya.
Ang WYSIWYG ay hindi lamang magiging isang gabi ng awit kundi isang malaking dance party na kung saan ay hihimukin na sumayaw ang mga manonood habang inaawit ng mga concert artists ang kanilang mga hits nang magkakahiwalay at magkakaroon din sila ng mga duets.
"Masaya ako at sumabay na rin sila sa trend. Sabi nga, mas marami, mas masaya. Ang importante nauna na ako sa kanila," sabi pa ng tinaguriang "halina ng bayan."
Kung sabagay nga, walang dapat ikatakot si Halina sa dalawa. Kumita naman ang launching film niya na Alipin ng Tukso. Kaya nga napakabilis ng follow up movie niyang Ika-Pitong Glorya. Tatlo pang naglalakihang pelikula ang naghihintay sa kanya.
Anang mga supporters niya ay taob pa rin sina Rica at Assunta kay Halina dahil walang dinuktor sa katawan nito. (Ibig sabihin, mayroon sa dalawa?)
Palabas na ang Ika-Pitong Glorya sa Feb. 7, approved without cuts ito.
Sa Pebrero 15, mapapanood ang Pop-Jazz @ Ratsky na magtatampok sa The CompanY. Susunod ang Roselle and Ralion Dance Concert at Ratsky, sa Marso 1. Magkakaroon ng repeat ng Rhythm and Divette na tatampukan nina Dessa at Ralion Alonso sa Marso 15. Sa Marso 28, magiging wild at wacky ang Ratsky sa isang show na tatampukan nina Arnel Ignacio at Marissa Sanchez na pinamagatang Your Honor Si Arnel at si Marissa Po!
Ang programang Lunch Break na napapanood Lunes hanggang Biyernes, 11:30 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon sa IBC 13.
Host ng programa na prodyus ng MMG Entertainment Group sina Niño Muhlach, Ladine Roxas, Yam Ledesma, Joy Viado, Earl Ignacio, Hanna Villame, Ronald Gan Ledesma, Leonard Obal, Dang Cruz, Natasha Nave, Yoyoy Villame at Ben Sagmit.
Guests ngayong linggo sina Jenine Desiderio, Alma Moreno, Berwin Meily, Monina Bagatsing at, marami pa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
15 hours ago
15 hours ago
Recommended