Ginawa ang pelikulang ito ni Direk Jose Javier Reyes para bigyan ang publiko ng up-close and personal understanding kung ano ang ginagawa ng mga taong nasa ganitong hanapbuhay at kung paano nilang tinitingnan ang buhay mula sa kanilang pakikipagtalik sa isang small wooden stage. Sa tulong ni Mother Lily Monteverde, nakabuo si Reyes ng mga artistang nagsiganap sa pelikula na masasabing ang performance ay ikararangal nila.
Si Paolo Rivero ang gumanap na main torero who confronts the many complicated issues he is faced with. Ang sexy actress na si Ana Capri together with Klaudia Koronel ay hindi lang katawan ang ipinakita kundi ang lalim ng kanilang galing sa pag-arte at iyak na sumisigaw ng katarungan sa lipunan dahil sa hindi pantay na kalagayan ng kanilang buhay.
Ang Live Show ay malamang na isa sa pinaka-boldest and bravest attempts of contemporary filmmaking para ipakita ang katotohanan sa local underground sex world.
Pinuri na ang pelikulang ito sa ibang bansa partikular na sa Berlin Film Festival kaya’t inaasahang maa-appreciate rin ito ng ating mga kababayan. "This is the sex film that dares do the real thing - live!
"Ang Live Show ay personal na statement against the contemporary economic situation. A metaphor of the Philippine situation. How some of our fellow Filipinos try their best to keep body and soul together in ways that are truly shocking to many of us, lalo na ngayong napakahirap ng buhay. Ito ang drama ng Live Show. Some say this is quite a subversive stance the film takes. But I believe that in terms of third world realities, by exposing the perverse, we inevitably come to take up a subversive stance. Ang lahat ay nagiging confrontational," paliwanag ni Direk Javier-Reyes sa isang press release.
Kuwento ni Rolly (Paolo Rivero) ang Live Show, ang kanyang ina na si Elma (Daria Ramirez) is a dying prostitute. Isasalaysay niya rito ang hirap at pasakit na dinanas niya simula nang ibenta ng kanyang ina ang kapatid niyang babae sa edad na 12. Naka-survive si Rolly sa piling ng isa pa niyang kapatid na lalaki at ina na may terminal cancer.
Katrabaho ni Rolly si Gigi (Klaudia Koronel) in the same sex den na ang tanging pangarap ay makarating ng Japan. Kasama sa bahay ni Gigi si Rosita (Ana Capri), isa ring torera who happens to be a drug addict. Sa edad na 15, nanganak na si Rosita na ipinamigay niya. Pagkatapos noon ay nagpapa-abort na siya sa tuwing magbubuntis hanggang um-abot sa sitwasyong hindi na siya puwedeng ma-nganak.
Kaibigan naman ni Rosita si Sandra (Hasel Espinosa), na asawa ni Vio (Simon Ibarra). Mga retired torero sila. Nang manganak si Sandra, nag-desisyon silang magbagong buhay. Si Sandra ay nagtitinda na lang ng banana cue at maruya samantalang si Vio ay nagtrabaho sa isang construction firm. Pero hindi sila nakaka-survive sa ganoong pamumuhay kaya nagbalik sila sa pagiging torero.
Magulo ang buhay ng mga tauhan sa may bandang huli ng pelikula. Maraming puwedeng maka-relate dito dahil hindi naman lingid sa kaalaman natin na maraming kababayan natin ang nabubuhay sa ganitong paraan.
Actually, ayaw sabihin ni Marvin ang nasabing movie with Joyce dahil sorpresa pa raw ito. "Hindi ko pa alam kung anong movie, basta ang alam ko, may gagawin pa akong isa," he says sa isang previous interview. Pero mismong taga-Star Cine-ma ang nag-confirm tungkol dito.
Wala pang definite tungkol sa script pero ngayon pa lang ay sinasabing magpapa-sexy dito si Marvin.
Speaking of Marvin, sinabi rin niya na kahit ang karamihan sa mga artista ngayon ay gustong maging pulitiko, kakaiba ang pananaw niya tungkol dito. Ayon kay Marvin, dapat ay mag-isip din ang ibang artista sa kanilang papasuking responsibilidad. "Ang issue kasi do’n, hindi ‘yung popular ka kundi kung ano ang magagawa mo pag na-elect ka. Paano kung hindi nila kaya ‘yung responsibilidad tapos manalo sila? Sana naman, mag-isip ‘yung iba bago sila mag-decide na tumakbo sa darating na election," he says.
Agree ako sa sinabi ni Marvin. Talagang dapat pag-isipan ng mga artistang tatakbo bago sila mag-desisyon maging pulitiko.