^

PSN Showbiz

Imbyerna si Sunshine !

-
Halos maloka ang beauty ni Sunshine Dizon lalo na ang ina niyang si Dorothy Laforteza sa balitang ibinubugaw niya ang sariling anak. Nagpaliwanag ang mommy ng aktres na may isang nanirang reporter sa kanilang mag-ina dahil hindi nila ito nabigyan ng regalo noong nakaraang holiday season. "Napakababaw naman ng dahilan para siraan kami ng reporter na ito. May ibibigay naman ako sa kanya kaya lang hindi kami nagkita. Napakasama kong ina kung ibubugaw ko ang aking anak. May pera pa naman kami at hindi naman kami kinakapos. Ngayon ngang maganda ang career ni Sunshine sinisiraan kami, how much more kung walang pelikula at TV shows ang aking anak," ani Dorothy.
Angelika dela Cruz.

Ano ang gagawin niya sakaling makita niya ang reporter na naninira sa kanya? "Didedmahin ko na lang siya dahil hindi naman totoo ang balita," aniya.
ONIN, AKTIBONG MULI SA SHOWBIZ
Nagpapasalamat si Niño Muhlach sa magandang break na ipinagkaloob sa kanya ng MMG Entertainment kung saan kinuha na siyang regular co-host ng Lunchbreak sa Channel 13 araw-araw.

Bukod sa Lunchbreak may gagawin pa rin siyang action-comedy movie na pinamagatang Pilak kasama si Ronald Gan Ledesma under MMG Films.

Manganganak na si Babes (tawag niya sa misis na si Edith) kaya kailangang kumayod ang aktor. Kung tutuusin, mayaman na si Onin pero gusto niyang patunayan na responsableng ama at asawa siya sa pamamagitan ng pagtatrabaho. "Masarap na nanggagaling sa sarili mong pawis ang perang kinikita mo. Gusto kong ipagmalaki ako ng aking misis at ng magiging anak namin," aniya.

Wish ni Onin na sana’y maging baby boy ang kanilang unang supling at handang-handa na siyang harapin ang responsibilidad ng isang ama.

Idinagdag pa rin niya na ang kanyang buhay ay nasa showbiz kaya minamahal niya ang kanyang trabaho. Marami pa siyang pangarap na nais matupad gaya ng pagdidirek muna sa TV at baka sa pelikula balang araw.

Kung matatandaan, nagsimula siya sa showbiz noong dalawang taon pa lang siya kasama si Ariel Ureta sa TV show na Ariel Ureta After Six. Doon nagsimula ang pagkakasunud-sunod ng mga pelikula niya hanggang binansagan siyang "child wonder."
ROI, PAPASOK NA RIN SA PULITIKA
Tatakbong bise-gobernador ng Pampanga si Roi Vinzon.

Noon pa ay pangarap na rin ng magaling na aktor na makapaglingkod sa kanyang mga kababayan at nang may humikayat sa kanyang pumasok sa pulitika ay hindi siya nagdalawang isip. Ipagpapatuloy pa rin niya ang pag-aartista sakaling palarin siyang manalo.

Natutuwa si Roi dahil kumikita ang kanilang pelikulang Hindi Sisiw ang Kalaban Mo, kasama sina Ronald Gan Ledesma at Zoren Legaspi. Naiibang action movie ito ayon pa sa aktor kaya kinagat din ng manonood.
SHERWIN, BINIGYAN NG BREAK NG SYETE
Nakakwentuhan namin si Sherwin Ordoñez na kapareha ni Angelika dela Cruz sa soap opera tentatively Ngayon at Kailanman ng GMA 7. Nang unang ibalita ito sa kanya ay hindi siya halos makapaniwala at sinabing napakagandang break ito na ipinagkaloob sa kanya ng GMA 7. Bukod dito ay kasama pa rin ang aktor sa Click, Eat Bulaga tuwing Huwebes at SOP.

Sherwin is only 19 years old at pangarap ding makapagtapos ng pag-aaral balang araw. Gusto niyang maging piloto kung saan nag-aral siya noon sa PATS nang agawin ng showbiz. Pero magsi-shift siya sa Business Administration sakaling ipagpapatuloy ang pag-aaral.

Nagsimula siya bilang miyembro ng Abstract Dancers hanggang mabigyan ng isang segment sa SOP. Makaraan ang isang buwan ay isinama si Sherwin sa Pintados. Half-brother niya si CJ Ramos pero nagsosolo na siya sa buhay.

vuukle comment

ABSTRACT DANCERS

ANGELIKA

ARIEL URETA

ARIEL URETA AFTER SIX

NIYA

RONALD GAN LEDESMA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with