^

PSN Showbiz

Priscilla, taob kay 'Booba'

-
Bumandera ng husto si Rufa Mae Quinto sa kanyang solo movie na Booba.

Kahit na second week ito sa mga sinehan, halatang-halata sa pilahan sa takilya na taob ni Booba ang Syota ng Bayan ni Priscilla Almeda.

Siguro may katotohanan ang sabi-sabi sa showbiz na pag masyadong balita na luma na ang pelikula – ang Syota ng Bayan ay two years na yatang tapos at noong October last year pa pinapalabas ang trailer at saka pa lamang ito inilabas nitong 2001 na.

Parang nawala na ang interes kay Priscilla lalo pa nga at balita ring naghigpit na ang board of censors.
Nagkataon pa rin na ito ay balitang Crown Seven movie at kasosyo lang ang Solar na nag-release nito.
Syempre may backlash pa ang publiko sa anumang project na may kinalaman sa nakaraang administrasyon.

Siguro mas gusto ng mga tao ang Booba na iba naman ang approach sa isang sex movie-pa-comedy effect at bagay si Rufa Mae sa ganitong role.
Sukatan ng kasikatan
Isa pang bagay sa sex comedy ay si Izza Ignacio pero hanggang TV na lang yata siya. Talaga yatang umaangat na ang career ni Rufa Mae dahil may show na rin siya sa ABS-CBN. May regular show na siya rito bukod pa sa show niya sa ABC-5. Nagiging sukatan na yata ng success ang isang ABC-CBN contract at kapag napasama ka sa ABS-CBN, nakatisod ka ng suwerte. Pero hindi naman siguro sa lahat ng pagkakataon-dahil si Charlene Gonzales hindi pa rin makaahon ang kanyang pagka-star kahit may Keep On Dancing siya at madalas pa siyang maging guest sa ilang ABS-CBN shows. Si Karen Davila rin, parang naging one-of-those na lang imbes na star broadcaster noong nasa GMA-7 pa siya. Wala ring naririnig na pelikula para kay Claudine Barretto at Rico Yan gayung sila raw ang talagang paborito sa ABS-CBN enclave.

Ang mga bagong ABS-CBN members ay sina Rufa Mae at Joyce Jimenez na kapwa mga kasalukuyang box-office queens. Ang ibig sabihin kaya nito ay puwedeng mag-concentrate na lang si Rufa Mae sa Arriba, Arriba at tuluyan na niyang iwan ang mga shows na nagpasikat sa kanya?
Madaling sumikat madali ring nawala
Pero marami pa ring mga young woman na naghahangad pumasok sa local showbiz sa pamamagitan ng paghuhubad na inaakalala nilang the easiest way to get noticed. Ito rin ang pinakamadaling paraan para pagsawaan ka ng mga manood. May naririnig pa ba tayo kina Ramona Rivilla, Camille Roxas, Rita Magdalena, Aya Medel at kung sinu-sino pang mga nakadalawa o tatlong pelikula pagkatapos ay tapos na rin ang career.
Ano ang gusto ng kababaihan
"Ano ang gusto ng mga kababaihan?" Parang yan ang tanong na gustong sagutin ng pelikulang What Women Want na pinagbibidahan nina Mel Gibson at Helen Hunt.

Sa pelikulang ito na romantic comedy ay magkatunggali si Nick Marshall (Mel Gibson) at Darcy Maguire (Helen Hunt). Parehong divorced, si Nick for 15 years at si Darcy for one year. Si Nick ay isang pangkariwang lalakeng mahilig na maka-score sa sinumang babae na mapagbalingan niya ng pansin-kahit showgirl, o waitress or sekretarya. Punumpuno ng babae ang kanyang buhay dahil anak siya ng isang dancer sa Las Vegas hanggang lumaki na siya at magka-asawa pero failure ang kanyang marriage. Naging isa siyang matagumpay na account executive sa isang bigating advertising agency sa Chicago. Pero kumuha ng isang babaeng creative director ang boss ni Nick na dapat sana ay siya ang na-promote sa posisyong iyon. Ngunit babae ang kinuha para magkaroon daw ng fresh ideas ang kompanya at para makuha nila ang malalaking account na ang ipino-promote ay mga kagamitan ng mga babae. Upang malaman ni Nick ang tunay na kagustuhan o kung bakit nagugustuhan ng isang babae ang isang bagay gaya halimbawa ng lipstick o pabango, nag-experiment si Nick sa kanyang banyo. At sa kanyang experiment, nakuryente siya habang gamit ang hair blower. Nagising siya kinabukasan at na-discover niyang mayroon na siyang kakaibang galing o sense. Naririnig niya kung ano ang iniisip ng mga babae!

At sa pamamagitan ng kakaibang kakayahan na ito, siyempre nalalaman niya ang bawat iniisip ng babae within hearing distance. Matinding tama sa kanyang ego ang mapag-alamang hindi pala siya nakakaaliw sa lahat ng mga babae at isang male chauvinist ang turing sa kanya. Pero sa pakikinig sa mga babaeng nakakaharap niya, naituwid niya ang lahat ng kanyang kamalian at pati na nga si Darcy na dati ay ilag sa kanya ay nagbago ang pakikitungo sa kanya.

Pati ang 15-year old daughter ni Nick ay nalaman niya ang iniisip at kinatatakutan sa buhay. Sa bandang huli ay mawawala rin ang ‘power’ ni Nick at magbabalik siya sa dati niyang normal na kalagayan. Hindi na niya siguro kailangang marinig pa ang mga tunay na iniisip ng ibang tao tungkol sa kanya. Maging masunurin lamang siya at maging observant, malalaman na niya ang tama at mali. Kung ilalagay lang niya ang kanyang sarili sa sitwasyon ng iba. Hindi na kailangang marinig pa ang iniisip ng kapwa upang matiyak kung ano ang kanilang nararamdaman. Totoo rin na ang mga magulang mo at mga tunay na kaibigan ay may ganitong galing. Alam nila kung ano ang nasasaloob mo kahit hindi mo pa sinasabi. And If you really listen and feel hard enough, you will surely know what men ang women want.

ISANG

KANYANG

NIYA

RUFA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with