Chikiting’s Chinese New Year

Halina’t samahan kami sa Shangri-la Mall para maki-"Kung Hei Fa Choy!" sa mga kaibigan nating Chinese at makipagdiwang at makisalo ng suwerte mula sa tradisyunal na pagdiriwang ng kanilang bagong taon. Isa sa kanilang idinaraos na selebrasyon ay ang hindi matatawaran at walang kakupas-kupas sa lion at dragon dance kung saan kinaaliwan ng lahat dahil pinaniniwalang ito’y naghahatid ng suwerte. Pagkatapos ng dancing siyempre may chow at tatakamin namin kayo ng kanilang iba’t ibang putahe na pawang masasarap at katakam-takam na hindi lang basta pagkain kundi mga pagkain na naghahatid rin ng kasaganaan – suwerte!!!

Lahat nang iyan ay matutunghayan lamang dito sa Chikiting Patrol At Home Ako Dito... saan pa nga ba eh di dito lang sa GMA 7 where we belong tuwing alas-9 hanggang 9:30 n.u.

Ang Chikiting Patrol ay inihahatid lagi sa inyo ng Jollibee Foods Corp. Sa direksyon ni Calvin Neria. Ang Chikiting Patrol At Home Ako dito ay nasa pamamahala ng CP Productions & Entertainment, Inc. at mapapanood sa GMA 7 tuwing Linggo.

Show comments