Sa pelikulang Ika-Pitong Glorya ng Leo Films binigyan siya ng pagkakataong makasama sina Ramon Christopher at Julio Diaz na gumanap bilang rapist ni Halina. Kasama ring gumanap na rapist si Gary Torres.
"Nahiya ako kay Halina. Sa halip na mang-rape ang gagawin ko, natulala ako sa kagandahan ng katawan niya. Kung sabagay lalaki si Rainier at natural lang ang naging reaction niya. Ang problema kailangang pagbutihin ng dating batang That’s. . . dahil masisigawan siya ng director ng pelikula na si Rico Tariman. Sabi nga, mahal ang negatibo ngayon kaya kailangang maingat magkamali sa eksena. Mismong si Halina na ang nagsabi kay Rainier na gawin lahat ang gusto niyang gawin at okey lang.
"Saka lang ako nakahinga. Kasi, worried ako, baka magalit siya sa akin kapag napadiin ang mga kamay ko," sabi pa ng actor na isa ring singer. -- Vir Gonzales