Piel, hubo’t hubad na dadalo sa premiere ng ‘The Virgin Wife’ sa UP!

Isang see-through at eskandalosang gown na kulay puti na ginawa pa ng sikat na fashion designer na si Ariel Agasang ang isusuot ni Piel Morena sa special premiere showing ng latest movie niyang The Virgin Wife sa UP Film Center ngayong gabi, Feb. 3, 6:30 p.m.

Made from a very special fabric material, ang gown na ito ay puwede lang daw isuot ng mga babaeng walang pakialam sa mundo at willing ipakita ang kanilang buong katawan sa publiko.

Sa sobrang nipis ng gown ay para na rin daw naka-hubo’t hubad naa-attend ng premiere night si Piel.

"I will do this to give them extra satisfaction lalo na ‘yung mga lalake na pupunta sa UP Film Center at ngayon ko lang gagawin ‘to, ‘no! ‘Yung iba na nagi-enjoy na makita akong naked sa mga movies ko, they now have the chance to see me naked in person," sabi ni Piel.

Kasama ni Piel sa The Virgin Wife bilang mga leading men sina Julio Diaz, Tonton Gutierrez, Ace Espinosa at Leandro Baldemor. Ilang beses munang na-X ang pelikula bago ito naipasa ng Appeals Committee ng Malacañang.

Ang pelikula ay istorya ng isang babae na apat na ulit nagpakasal sa iba’t ibang lalake. The movie is written and directed by Jose N. Carreon and photograp by Romy Vitug. Regular itong mapapanood sa mga sinehan sa Feb. 9.

Show comments