April Boy Regino, di masikmura nina Rica at Kris!
February 3, 2001 | 12:00am
Masama raw ang loob ni April Boy Regino kina Rica Peralejo at Kris Aquino. Kay Rica, dahil sa pagtanggi raw nito na makasama siya sa pelikula. At kay Kris, dahil sa maling bintang daw nito sa kanya?
Unahin na nga natin si Rica na umano’y ‘pinangdidirihan’ na makasama si April Boy. Kahit ang maka-kissing scene daw si April Boy ay hindi masisikmura ni Rica?
"Ewan ko kung bakit may mga balitang lumalabas na ganyan. Nagkausap na rin kami ni Rica at wala naman siyang sinabing ganyan. So, paanong sasama ang loob ko?" simula na rin ni Mr. Regino.
"May project talaga for both of us, pero hindi yata nagkaayos sa presyo. ‘Yon ang alam kong dahilan and not because ayaw niya akong makasama or ayaw niya akong maka-kissing scene!
"Kaya walang problema sa aming dalawa ni Rica. Mabait siya at wala rin naman akong masasabi sa kanya," pagtatanggol pa ng bidang aktor ng Super Idol.
"About Kris, may nakarating lang sa akin na galing daw sa kanya ang balitang nagpunta ako sa rally ng pro-Erap sa Makati at Mendiola. Medyo sumama talaga ang loob ko.
"Unang-una na rin, hindi totoo ang balita. Wala akong pinuntahan or sinamahang rally kahit sa pro or anti-Erap. Kahit marami rin talaga ang imbitasyon, minabuti ko na lang ang tumanggi.
"Magbibigay po ako nang pabuya sa sinumang magpapatunay na nagpunta nga ako sa mga rally na ‘yan. Kaya masama talaga ang loob ko. Ang akala ko pa naman, kaibigan si Kris," aniya pa. – Robert Perez

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended