Mahilig sa motocross ang singer

Namamayagpag na ang kantang ni-revive ni Teresa Morales sa mga radio stations – ang "Kamusta Ka." Si Teresa ang artist ng Global Records na nakadiskubre habang nagpe-perform bilang bahagi ng training niya para sa Center for Pop Music.

Nanalo siya sa isang Motocross Contest sa Negros Oriental. Bukod sa pagkanta ay sporty rin si Teresa. Marami rin siyang alagang hayop sa kanyang bahay. Nang mag-launch siya ng kanyang album sa Master Showman ay manghang-mangha raw ang mga alaga niyang unggoy.

Siguradong masisiyahan ang lahat ng makakarinig sa kanyang album dahil mga bigatin din ang kanyang mga composers na kinabibilangan nina Mon del Rosario, Nonoy Tan at Vehnee Saturno. Carrier song ng album ang "Kamusta Ka," na pinasikat ni Freddie Aguilar.

"Mas gumanda ang aking song, naging pop ang dating. Dati kasi, folk ito," anang maganda at seksing mang-aawit.

Show comments