Inilunsad ang 'Maharlikang Filipino', Mutya ng Novaliches 2001'

Inilunsad ng Star Quest Entertainment Production, ang pinakaaabangang patimpalak para sa mga kabataan ng Novaliches, ang Maharlikang Filipino Novaliches 2001 at Mutya ng Novaliches 2001 na maglalarawan ng kakisigan at kagandahan, katalinuhan at talento ng isang kabataang Filipino. Layunin ng patimpalak na ito na ipagdiwang at kilalanin ang huwaran ng kabataang Filipino ng milenyo, magpalaganap ng kagandahang asal, mapaunlad ang angkin talino at talento, ilayo ang kabataan sa mga masasamang bisyo at drug addiction at hikayatin ang mga kabataan ng bawat barangay ng Novaliches sa pagkakaisa at pagkakaibigan.

Malaking gantimpala at oportunidad ang naghihintay sa bawat magwawagi, katulad ng cash prizes, sash and trophy, scholarship grant, modeling contract sa S.Q.E.P. na nagkakahalaga ng limang pung libong piso (P50,000.00) at pagkakataon na katawanin ang municipalidad ng Novaliches sa national final ng nationwide search ng Maharlikang Filipino 2001 at ng taunang "Miss Quezon City" at maging isang ambassador of goodwill.

Si Bert Balingit ang kilalang fashion designer ng Novaliches ang official na magdadamit sa mga kandidato at sa ilalim ng mahusay na direksyon ni Gilbert B. Dickenson.

Show comments