Sa isang panayam na ginawa ko sa kanya, nung kanyang kaarawan, nagulat pa siya nang mapag-alaman na lately, siya pala ay nagiging subject ng controversy. Marami ang naglabasan na balita na diumano ay sinabi niya na isang drug addict ang Superstar na si Nora Aunor at hinihiling pa raw niya diumano na magpa-drug test ito.
"No, I never said that," ang una at mariin niyang sinabi. "Nag-guest ako sa Startalk at tinanong ako dun kung totoo raw na sinabi ng incumbent governor ng Camarines Sur, ang aking kasalukuyang boss, na si Gov. Luis Villafuerte na isa raw drug addict si Nora. Na kailangan daw nitong magpa-drug test. Ang sabi ko, knowing the governor, hindi niya ito masasabi. At kung sinasabi nila na sinabi niya (Villafuerte) ito, ang sabi ko, hindi ako naniniwala. That’s it! Bakit ngayon ako ang lumalabas na nagsabi nito? Bakit, all of a sudden, ay pinag-aaway nila kami ni Guy? Wala kaming away, in fact, magkumare kami. Hindi naman kami ang maglalaban sa election because I am seeking reelection. Alam naman ng lahat na bise gobernador ako.
"I have no time sa mga ganitong bagay. Maraming trabaho na dapat ayusin. Clearly, I was misquoted and this is not the first time. Sanay na ako but, still, dapat responsible ang mga writers sa kanilang sinusulat at ang mga reporters sa kanilang ibinabalita.
Eto ako, nagpipilit na mapabuti ang aking trabaho pagkatapos ay sisirain lamang ng kung sinong iresponsable," pagtatapos niya.
Maraming dapat ipagpasalamat si Imelda, hindi lamang ang kanyang kaarawan. Sa kabila ng hindi niya naaasikaso ang kanyang showbiz career ay patuloy pa rin ang mainit na pagtanggap sa kanya bilang isang singer hindi lamang dito sa kanyang bansa kundi maging sa labas nito. Kamakailan ay tumanggap siya ng Millennium Excellence Award bilang one of the Top Men & Women of the New Millennium mula sa Parangal ng Bayan Awards na pinamumunuan ni Jake Navea.
"At least, hindi nasayang ang pagod ko. Dun kasi sa dalawang hindi maipalabas hanggang ngayon ay talagang nagkandahirap ako, especially Butakal, yung first movie ko na talagang nahirapan akong gawin dahil I was raped in the film at syempre nagkapasa-pasa ako, tapos, hindi pala maipapalabas. Yun namang Cristina My Cristina, sex comedy naman. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin naipapalabas.
"Dito sa Haplos, girlfriend ako ni Raffy Anido nung 50’s, sa flashback. Sa present time, isa na siyang multo na umibig sa isang kapangalan ko na ginagampanan naman ni Yda Manzano. Pinatanda nga ako rito sa pamamagitan ng prosthetics.
"No, love scenes, mga sexy scenes lang, walang hubaran.
"Si Yda ang mayro’n dahil siya ang bida sa movie, support lang niya ako. No, I don’t mind playing support to her. Ganun lang naman dapat, kung sino ang nangangailangan ng suporta, eh di bigyan natin. Bakit kailangan pang magkaroon ng problema?" tanong niya.
Ngayon na medyo mahirap ang panahon, balak ni Pyar na magtayo ng negosyo. Hindi pa siya sigurado kung ano ito pero, nagpaparehistro na siya.