Kakaibang... ‘Haplos’

Love story, drama, sex at mystery. Ito ang katangian ng pelikulang Sa Iyong Mga Haplos.

Matinding paghuhubad ang ginawa dito ni Yda Manzano na siyang pinakabida sa pelikulang ito. Subalit hindi paghuhubad na isiningit lang para sa manonood na kalalakihan, kundi sadyang kailangan sa takbo ng istorya.

Kasama rin ni Yda sa pelikulang ito si Pyar Mirasol. Mabigat ang papel na ginagampanan ni Pyar sa pelikulang ito. Palatandaan na inihahanda na siya ng World Arts Cinema para sa pagbibida sa pelikula. Maiksi lang ang role ni Pyar sa Sa Iyong Mga Haplos. Subalit markado at umiinog sa kanya ang kuwento ng buong pelikula.

Show comments