Saan nanggaling ang Yamani? Si Wilma Galvante ng GMA ang nakaisip na baguhin ito. "Yamani dahil yaman ako ng Mommy ko. She always goes with me and even memorizes the songs for me. Kapag hindi ko alam o nakakalimutan ko ang lyrics, siya ang nagdidikta sa akin," aniya sa kanyang matatas na pananagalog. 1995 pa siya rito pero paisa-isang taon lang siya. One year, she was here and the next, nasa Canada siya, particularly sa Vancouver, where she finished her management course sa ICS, isang kolehiyo dun.
She is here for good now. "Mas gusto ko rito. I like the weather, the people, the fast pace. Sa Canada, parang mabagal ang galaw ng mga tao," dagdag pa niya.
She started singing with a band. She still does with the Edge Band na kung saan ay nagagamit niya ang kanyang kaalaman din sa pagsasayaw. "I still sing with them kahit nagsosolo na ako," sabi niya.
She used to be fat. "Dati ang waistline ko ay 38 inches and I weighed 168 lbs. I lost it by dieting and exercising. I think tumaba ako when I stopped swimming." She reveals ito ang favorite sport niya.
Nasa ikalawang single na siya ng kanyang album na may pamagat na "Yamani, Bakit Ba?" Dito nanggaling ang hit song na "Hindi Ako Laruan". She is currently promoting "Palayain Mo Ako".
"Gusto kong kumanta ng love songs kasi madali itong ibenta, malakas ang recall," she says.
She is not undaunted by the stiff competition provided by singers like Mystika, Mae Rivera, Alynna and others. "Mas nauna na sila. I am still on my second single. I welcome the competition. It helps me to work harder and improve on my craft, sabi niya."