Namimiligro si Leo!

Matapos madawit sa kontrobersiyal na impeachment case ay mukhang nasa peligro na naman si Leo Martinez aka Chairman Yakis of Barangay Manggagaya ng Ispup. Simula nang maungkat ang sari-saring anomalya na kanya’y kinasangkutan ay kaliwaang protesta naman ang uusig kay Chairman. Maisalba pa kaya ni Leo ang kanyang posisyon?

Samantala, saan ang kahahantungan ng labing-isang kagawad na nang-onse sa mga taga Barangay Manggagaya? Baka magulat kayo dahil ang isa ay naging tindero ng agimat, ang isa’y naging dancer, dealer ng toyo, at barker naman ng FX ang kinasapitan ng ilan sa kanila... Hulaan na lang ninyo kung sino ang personalidad na ginagaya nina Willie Nep, Jon Santos, Rufa Mae Quinto, Candy Pangilinan, Leo Martinez and the rest of the Ispup comedians ngayong Sabado, 8:00 n.g. sa ABC 5... Makiisa sa katatawa!

Show comments