Zoren, Roi, paano napapayag mag-kontrabida kay Ronald Gan?
January 27, 2001 | 12:00am
Ronald Gan Ledesma, kalaban sa pelikula sina Zoren Legaspi at Roi Vinzon? Kapani-paniwala ba ito, tanong ng marami. "Bakit hindi?" sagot naman ng poging action star. "Eh di panoorin nila ang Hindi Sisiw ang Kalaban Mo saka sila maghusga!"
Ang Hindi Sisiw ang Kalaban Mo ni direk Roland Ledesma ay tungkol sa paghihiganti ng isang sundalo na dating miyembro ng PMA. Magkaibigang matalik sina Zoren at Roi. Dating girlfriend ni Zoren si Rita Magdalena na ngayon ay kasintahan ni Ronald. "Actually, biktima lang ako rito, minsan kaming nag-outing, naging hostage kami sa labanan nina Zoren at Roi, eh ako, namagitan lang na nauwi sa ako na ang kinakalaban ng agila, ako na ang sisiw sa harap ni Roi."
Matagal-tagal na ring nag-aartista si Ronald, sabi niya, pero ngayon lang daw siya nagkaroon na kaiba at kahindik-hindik na fight scenes. Noong isang taon, dalawang pelikula lang niya ang naipalabas, Tumbador at Ipinanganak Na ang Taong Papatay sa Iyo. Ang Hindi Sisiw ang Kalaban Mo, hindi nakuha sa magic six sa Metro Manila Film Festival. "Pero siguro, blessing in disguise din itong bagong playdate, January 31, kasi, noong filmfest, humina ang mga pelikula kasi, nagkaroon ng bombings, maraming tao ang natakot magpunta ng malls," aniya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended