Sa isa niyang bakasyon mula sa trabaho ay nagsimula siyang mag-demo recording ng vocals and minus ones ng kanyang mga awitin na siyang nakapaloob sa album na "Awit Abroad" na ang mga umawit ay mga may pangalan at ipinagmamalaking artist ng bansang Pilipinas. Gaya nina Nora Aunor, Nonoy Zuñiga, Claudine Barretto, Miriam Pantig, Jo Awayan, Kelly Grace Salcedo, Richard Villanueva, Aldo Rubee, Juan Rodrigo at Cindy Rosas.
Sa isang presscon na itinaguyod ng Rotary Club of San Juan West sa pamumuno ni Jimmy Tan at sa tulong ng POPPSINC, at Migrante, pormal na inilunsad ang "Awit Abroad" na ang tagumpay ay magbibigay katuparan sa pangarap ng composer at OFW na si Roland Amaranto na hindi na umalis ng bansa at makasama na sa habang panahon ang kanyang mga mahal sa buhay.
Ang mga awiting nakapaloob sa album na mayroon nang endorsements sa mga Filipino stations sa TV sa buong mundo ay ang "Maayos ang Buhay" (Pantig); "Para Sa Inyo, OFW Ng Buong Mundo" (Awayan); "I Do" (Barretto); "Aking Mahal" (Aunor); "Kabayan Huwag Mag-alala" (Rodrigo); "Doon" (Rosas); "O’T" (Rubee); "Ramadan" (Villanueva); "Dakila Ka" (Zuñiga/Salcedo) at "Makapaghanapbuhay Lang" (Zuñiga).
Malalaki rin ang kanyang mga concerts gaya ngayong Biyernes, Enero 26 sa PICC Plenary Hall at pinamagatang Up Close. Isang pasasalamat ito sa napaka-matagumpay na taong 2000 na kung saan ay itinuturing siya na pinaka-awarded male performer. Naging Male OPM Artist of the Year siya ng RX 93.1; Song of the Year at Best Ballad Recording ng Awit Awards at Best Male Music Video of the Year ng Philippines MTV Awards. Ang lahat ng ito ay para sa kanta niyang "Kung Mawawala Ka".
"Isang thanksgiving concert ito at celebration din ng aking anibersaryo sa showbis," ani Ogie.
Direktor ng Up Close si Louie Ignacio at panauhin sina Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann at Regine Velasquez. Mabibili ang tiket sa show na magsisimula sa ika-8 ng gabi sa ticketworld, National Bookstores at PICC front gate.
Samantala, nakatakda nang lumabas ang bagong album ni Ogie na may amagat na "Precious Moments" ng MCA Universal. May bersyon dito si Ogie ng "Kailangan Ko’y Ikaw’ at iba pang movie theme classics.
Nagsimula ang nasabing pakontes sa pagho-host ni Christopher de Leon nung Nobyembre 10 na Viva-TV ang may hawak ng prangkisa. Nagsimula itong mapanood sa London nung Setyembre, 1998 at napapanood na ngayon sa 34 mga bansa sa buong mundo gaya ng US, Canada, Australia, Holland, Russia, Malaysia, India, Denmark, South Africa, Poland, France, Japan, Austria, Cyprus, Columbia at marami pa. Ang palabas dito ay tuwing Lunes, Martes at Huwebes, 8:00-9:00 ng gabi.
Kakaiba ang istraktura ng show. Multiple choice ang mga tanong at bawat isang tamang sagot ay may katumbas na pera. Tumataas ang halaga habang nasasagot ang mga tanong hanggang umabot sa grand prize ng P1M. Sa mga mahihirap na tanong, may tulong na matatanggap, ang kalahok, ang "Dial-a-Friend","Ask the Audience" o "50/50".
Wala pang nanalo ng P1M pero, optimistic ang Viva na baka ngayong second season ay makuha na ito. Makasali nga. Hindi naman ako bright pero, hindi rin naman bobo. Besides, game of chance ito at malaki ang magagawa ng swerte. Sabi nga ng marami, mayroon ako nito, swerte, I mean.