^

PSN Showbiz

Isang album para sa lahat ng OFW sa mundo

-
Isang Overseas Filipino Worker (OFW), si Rolly Amaranto, may 11 taon nang nagtatrabaho sa Middle East, ang gumawa ng paraan para maiparinig at maibahagi sa mga kapwa niya Pilipino na nagtatrabaho sa labas ng Pilipinas ang kanyang talino sa paglikha ng mga magagandang awitin. Nang malaman niya na ang taong 2000 ay idineklarang "Year of the OFWs," kinontak niya ang grupong nagsulong para mabigyan ito ng kaganapan, ang Philippines to The World Entertainment Foundation, Inc. (PWEFI) na nung panahong yun ay pinamumunuan ni G. Rhoel Mendoza. Binigyan naman nila siya ng kaukulang endorso at suporta para makagawa ng isang album na patungkol sa buhay ng mga OFWs.

Sa isa niyang bakasyon mula sa trabaho ay nagsimula siyang mag-demo recording ng vocals and minus ones ng kanyang mga awitin na siyang nakapaloob sa album na "Awit Abroad" na ang mga umawit ay mga may pangalan at ipinagmamalaking artist ng bansang Pilipinas. Gaya nina Nora Aunor, Nonoy Zuñiga, Claudine Barretto, Miriam Pantig, Jo Awayan, Kelly Grace Salcedo, Richard Villanueva, Aldo Rubee, Juan Rodrigo at Cindy Rosas.

Sa isang presscon na itinaguyod ng Rotary Club of San Juan West sa pamumuno ni Jimmy Tan at sa tulong ng POPPSINC, at Migrante, pormal na inilunsad ang "Awit Abroad" na ang tagumpay ay magbibigay katuparan sa pangarap ng composer at OFW na si Roland Amaranto na hindi na umalis ng bansa at makasama na sa habang panahon ang kanyang mga mahal sa buhay.

Ang mga awiting nakapaloob sa album na mayroon nang endorsements sa mga Filipino stations sa TV sa buong mundo ay ang "Maayos ang Buhay" (Pantig); "Para Sa Inyo, OFW Ng Buong Mundo" (Awayan); "I Do" (Barretto); "Aking Mahal" (Aunor); "Kabayan Huwag Mag-alala" (Rodrigo); "Doon" (Rosas); "O’T" (Rubee); "Ramadan" (Villanueva); "Dakila Ka" (Zuñiga/Salcedo) at "Makapaghanapbuhay Lang" (Zuñiga).
* * *
Hindi rin naman pahuhuli si Ogie Alcasid sa kanyang mga kasamahang singers and recording artists pagdating sa mga shows.

Malalaki rin ang kanyang mga concerts gaya ngayong Biyernes, Enero 26 sa PICC Plenary Hall at pinamagatang Up Close. Isang pasasalamat ito sa napaka-matagumpay na taong 2000 na kung saan ay itinuturing siya na pinaka-awarded male performer. Naging Male OPM Artist of the Year siya ng RX 93.1; Song of the Year at Best Ballad Recording ng Awit Awards at Best Male Music Video of the Year ng Philippines MTV Awards. Ang lahat ng ito ay para sa kanta niyang "Kung Mawawala Ka".

"Isang thanksgiving concert ito at celebration din ng aking anibersaryo sa showbis," ani Ogie.

Direktor ng Up Close si Louie Ignacio
at panauhin sina Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann at Regine Velasquez. Mabibili ang tiket sa show na magsisimula sa ika-8 ng gabi sa ticketworld, National Bookstores at PICC front gate.

Samantala, nakatakda nang lumabas ang bagong album ni Ogie na may amagat na "Precious Moments" ng MCA Universal. May bersyon dito si Ogie ng "Kailangan Ko’y Ikaw’ at iba pang movie theme classics.
* * *
Naka-isang season na pala ang Who Wants To Be A Millionaire. Bilang pagtatapos ay nagkaroon ito ng special feature, ang "Winning Moments" na nagtampok sa mga kalahok na nagmuntikang makuha ang P1,000,000 jackpot.

Nagsimula ang nasabing pakontes sa pagho-host ni Christopher de Leon nung Nobyembre 10 na Viva-TV ang may hawak ng prangkisa. Nagsimula itong mapanood sa London nung Setyembre, 1998 at napapanood na ngayon sa 34 mga bansa sa buong mundo gaya ng US, Canada, Australia, Holland, Russia, Malaysia, India, Denmark, South Africa, Poland, France, Japan, Austria, Cyprus, Columbia at marami pa. Ang palabas dito ay tuwing Lunes, Martes at Huwebes, 8:00-9:00 ng gabi.

Kakaiba ang istraktura ng show. Multiple choice ang mga tanong at bawat isang tamang sagot ay may katumbas na pera. Tumataas ang halaga habang nasasagot ang mga tanong hanggang umabot sa grand prize ng P1M. Sa mga mahihirap na tanong, may tulong na matatanggap, ang kalahok, ang "Dial-a-Friend","Ask the Audience" o "50/50".

Wala pang nanalo ng P1M pero, optimistic ang Viva na baka ngayong second season ay makuha na ito. Makasali nga. Hindi naman ako bright pero, hindi rin naman bobo. Besides, game of chance ito at malaki ang magagawa ng swerte. Sabi nga ng marami, mayroon ako nito, swerte, I mean.

AKING MAHAL

ALDO RUBEE

AWIT ABROAD

OGIE

UP CLOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with