Jo Awayan, paborito ng Rembrandt

Actually, nung buwan ng Disyembre naging featured singer si Jo Awayan ng Downtown, ang nagiging popular na sports bar/restaurant ng Hotel Rembrandt. Naging instant hit ang itinuturing na lounge singer sa nasabing venue kung kaya’t ibinabalik siya rito. Sa lahat ng Biyernes ng buwan ng Enero ay naging tampok siya rito. Na-extend pa ito hanggang sa Pebrero 3, 9 at 14.

Sa kanyang palabas na pinamagatang "Let’s Get Loud", binago niya ang kanyang repertoire sa pamamagitan ng paglalagay ng mas maraming dance music.

Ang Downtown ay matatagpuan sa basement ng Hotel Rembrandt, sa Tomas Morato, QC. May kasalukuyang promo ito ng "Two Beers For the Price of One." Mula 6 pm-9 pm. Lunes hanggang Sabado.

Show comments