Ngayong Biyernes ika-26 ng Enero, ay kaarawan ni Vice Gov.
Imelda Papin. Sa halip na magkaroon ng bonggang selebrasyon, minabuti niyang magkawanggawa sa mga batang mahihirap sa Marikina City, partikular sa River Banks Amphitheater. Magpapakain ng mga bata si Bb. Papin at pagkatapos ay aaliwin ang mga ito sa pamamagitan ng isang musical show. Makakasama niya si
Jamby Madrigal. Mayroong awiting sikat ngayon ang dalawa, ang "Ikaw Lamang" na tanging handog ni Jamby sa mga batang Pilipino.
Ito ay produksyon at release ng
Universal Records ni Bb.
Bella Tan.
Nasa River Banks Amphitheater din sina
Isabel Granada,
Aileen Papin,
Maffi Papin,
Garry Cruz,
Jackston 2 at emcee si
Tita Swarding ng
DZRH at
DWSS.