May 58 myembro ang DGPI na pinamumunuan ngayon ni Jose Javier Reyes bilang President; Jeffrey Jetturian, Vice Pres.; Mark Reyes, Secretary, Rory Quintos, Treasurer; Maryo J. delos Reyes, Chairman of the Board; Marilou Diaz Abaya, Mel Chionglo, Don Escudero, Joel Lamangan, Erik Matti at Chito Roño, Board Members.
Ang pagpupulong ay dinaluhan nina Marilou, Joel, Joey, Laurice Guillen, Jeffrey, Mark, Don at Chito. Matangi kay Laurice, pawang nakaitim ang mga direktor na mukhang dala dala pa rin ang kanilang damdamin sa EDSA na kung saan ay kasama sila ng milyong Pilipino na nagpababa sa dating Pangulong Erap Estrada sa kanyang pwesto.
Sinabi nila na bigo sila sa FAP na maibigay ang klase ng professional environment na nararapat sa mga nasasakupan nito. Napagtanto rin nila ang kanilang kahalagahan bilang mga filmmaker sa socio-political formation ng bansa
"Patuloy kaming magiging bahagi ng industriya pero, hindi na sa ilalim ng FAP," anila
"Sa EDSA, nakita namin ang tunay na mukha ng aming manonood, ang malaki naming pagkukulang na hindi namin naibibigay ang mga pelikula na nararapat sa kanila. Dahil dito, napagpasyahan namin na ire-assess kung ano ang tunay na role namin bilang mga filmmakers. Binalikan din namin yung mga ginawa namin at gusto naming humingi ng paumanhin sa aming manonood sa mga pagkakamali at kakulangan ng moral leadership," ani Laurice.
Kasama sa press statement na inilabas ng DGPI ang mga sumusunod na puntos:
In the light of the most recent socio-political developments, issues and problems must be addressed using the power and influence of film as medium para maiangat ang moral at intellectual standards ang Pinoy.
Gagamitin din nila ang kanilang kalayaan bilang mga myembro ng isang pribadong korporasyon para makapagtatag ng isang kritikal at mabungang relasyon sa pamahalaan at iba pang sektor ng lipunan, dito sa bansa at maging sa labas nito.
Gagampanan ng Guild ang papel ng isang catalyst at tagapag-bantay ng integridad ng filmmaking at pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa sa industriya at matukoy ang pangangailangan ng manonood.
Nararapat din na lumago ang DGPI at dahil dito kailangang palaging ire-define ang korporasyon para mapanatili ang kanilang kahalagahan sa pagbabago ng panahon at demands of the times hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa context ng global cinema.
Sinasabi na malaki ang magiging epekto ng pagkalas na ito ng DGPI sa FAP, at baka mangahulugan ng tuluyang pagkabuwag ng organisasyon na nagbubuklod sa buong industriya. Not unless na magawan ng paraan ng mga namumuno na alamin ang problema ng bawat Guild at bigyan ng tunay na solusyon ang kanilang mga hinaing para sa pagsisimula ng isang bago at mas matatag na samahan ng mga taga industriya.
Malapit na ang showing ng pelikula, sa Pebrero 7 pero, nagtatampo si Halina sapagkat nangako ang kanyang producer na tatanggalin na ang eksena niya na kung saan ay hubad na hubad siya sa kanyang rape scene. Obviously, hindi natupad ang ipinangako sa kanya at isa pa, approved without cuts ang movie kaya makikita siya sa kanyang hubad na kabuuan.
Kung ako naman ang sexy star, magpu-promote na ako ng pelikula dahil kapag nadiskaril ito, ay siya rin ang magdurusa. Wala na naman siyang magagawa. Kung ayaw niyang mapanood siyang nakahubad, sana hindi siya nagpakuha ng nakahubad. Ganun lang yun ka-simple!.