Si Allona ang bold star na hindi mahilig sa sex. "Sa boyfriend ko lang ito gagawin," aniya at hindi siya nahihiya na aminin na na-virginized siya nung edad 18. "Medyo late bloomer ako and after that parang naging frigid na ako pero, nagkaro’n na ako ng anim na boyfriends, dalawa lang sa kanila ang naging seryoso," patuloy niya.
Bagaman at isang bold star si Allona, sinabi niya na ayaw niya nang binabastos siya ng kanyang mga kapareha. "Ayaw ko nang sinasamantala ako. Kaya nga ayaw ko kay Fernando Montenegro. Hindi rin ako nagpa-plaster pero pinaglalagay ko nito ang mga kapareha ko para makaiwas sa mga hindi namin inaasahang mangyayari. So far, ang mga nakakasama ko naman ay mga gentlemen, except for Fernando," dagdag pa niya.
Pangarap din ba niyang makasama sa movie si Aga?
"Sino ba naman ang hindi naghahangad nito pero magkaiba ang klase ng ginagawa naming movies kaya nga hanggang sa paghanga na lang ako sa kanya. Okay na sa akin ito," pagtatapos niya.
Si Tootsie ay isa rin sa produkto ng That’s Entertainment na gumagawa ng malaking pangalan sa larangan ng pagkanta.
Bagaman at palayaw lamang niya ang Tootsie na pinaghalong pangalan ng kanyang mga magulang (Totoy at Tessie), hindi na niya ipinagpatuloy at balak niyang pagpapalit ng pangalan nung una sapagkat akala niya ay hindi babagay ang Tootsie sa bago niyang image na "mature and sexy singer." Pero, tinanggap din nila ito na gaya nang pinatutunayan niya nang mag-hit ang kanyang mga records.
Ang iba pang cuts sa "Dito Sa Puso Ko" ay "You’ll Always Be My Number One", "Ba’t Di Mo Sabihin", "More Than Love", "Nang Dahil Sa Pag-ibig" at marami pa.
Hindi lamang naman ang good looks ng mayor ang hinahangaan ng lahat niyang kababayan kundi maging ang kanyang kasipagan at tiyaga sa pag-iisip ng paraan para mapaganda ang buhay ng mga taga-Navotas, lalo na ang mga maliliit.