Ngayong gabi, 8 pm sa Jefz Café (located at the New Solanie Hotel), muling itatanghal ang palabas kung saan tampok ang tatlo sa pinaka-in-demand na sing-along masters na walang dudang look-alike at kaboses ng ating mga hinahangaang divas sa larangan ng musika. Ito ay sina Anton (as Asias Songbird" Regine Velasquez), Trizsa (as "Divine Diva" Zsazsa Padilla) and Reggie (as "Queen of Soul" Jaya) na magpapatalbugan sa pag-awit sa palabas na pinamagatang Ako Ang Tunay, Diva? Papalag Ka?
Aawitin ng tatlong sikat na sing-along masters ang ilan sa mga paborito nilang hits ng kanilang iniidolong diva. Di rin sila magpapaawat sa pagpapatawa ng audience sa puntong papatunayan nila sa isat isa kung sino ba talaga ang karapat-dapat na tawaging "Diva."
Kasama rin sa show na ito bilang mga special guest sina Arlyn Sinohin, Yam Ledesma, Jennilou Santos at ang Dance Promo. Ang Ako Ang Tunay, Diva? Papalag Ka? ay presented by Lacson General Merchandise at Charisma Textile with Millets Clothes Shop by Ayo, Antonellis Fabric Square, Art Union Textile Co., Creative Plastic Manufacturing, Susan Villanueva at Flowers Et Al bilang sponsors. Itoy produced ng Jefz Café at Patricia Productions with script and direction by Chi de Jesus and musical direction by Eric Sta. Maria. Si Jeffrey dela Cruz ang tumatayong project manager. Tickets is priced at P300.
Pagkatapos ng show na ito, kinabukasan naman, January 24, isang free-show upang ipagdiwang ang Chinese New Year ang gaganapin pa rin sa Jefz Café. Aaliwin kayo ng Jefz Family na pinangungunahan nina Gino, Melanie, Teri, Ranz, Trisza, Emma at ang Tuklets. Pero siyempre, lahat ng guest at avid sing-along clients ng Jefz Café ay may pagkakataon pa ring humataw sa awitan onstage pagkatapos ng nasabing free-show.
O, ano pang hinihintay nyo? Tuloy ang ligaya sa Jefz Café kaya join na! For tickets and reservations, tumawag sa 524-8641 at hanapin si Manel.